• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-17 17:03:04    
Paggagalugad sa gawing kanluran ng Tsina, nagtamo ng bunga

CRI
Sapul nang isagawa ng pamahalaang Tsino ang estratehiya ng paggagalugad sa gawing kanluran ng bansa noong taong 2000, lumitaw ang tunguhin ng mabilis na pag-unald ng kabuhayan sa gawing kanluran ng Tsina.

Ang Lalawigang Shanxi ay isa sa mga lalawigang Tsino na isinasagawa ang paggagalugad sa gawing kanluran. Napag-alaman kamakailan ng mamamahayag na nitong ilang taong nakalipas, lubos na ginagamit ng Lalawigang Shanxi ang mga bentahe sa lokalidad na kinabibilangan ng mga halaman, mina, siyensiya't teknolohiya at iba pa, sa gayon nagtamo ito ng malaking bunga sa aspekto ng pagpapasulong sa kabuhayan.

Ang Lalawigang Shanxi ay isang malaking lalawigan ng Tsina sa agrikultura, at ang bukirin nito ay umabot sa mahigit 4.8 milyong hektarya na katumbas ng halos 4% ng kabuuang saklaw ng bukirin ng bansa. Upang mapasulong ang pag-unlad ng agrikultura, kasabay ng paggarantiya sa ani ng pagkaing-butil at batay sa natural conditions sa iba't ibang purok ng lalawigang ito, puspusang pinauunlad nito ang mga espesyal na industriya na kinabibilangan ng prutas, bulaklak at iba pa.

Bukod dito, noong 1998, itinatag sa Yang Ling--sa dakong gitna ng Shanxi--ng pamahalaang Tsino ang isang agricultural demonstration zone. Hanggang sa kasalukuyan, ang sonang ito ay tanging ganitong uri ng zona sa antas ng estado sa Tsina.

Pagkaraan ng pitong taong konstruksyon, ang kasalukuyang Yang Ling ay nagsisilbing isang purok na agrikultural na ang halaga ng produksyon nito ay umabot sa 1.1 bilyong Yuan, RMB. Sinabi ni Chen Jun, babaeng pangalawang direktor ng lupong administratibo ng naturang zona na:

"Ang demonstratibong paraan namin ay pagsamahin ang mga bahay-kalakal, tauhang pansiyensiya't panteknolohiya, base at magsasaka. Nagsusuplay ang mga bahay-kalakal ng mga mabuting pamatay-kulisap at pataba at binhi sa mga magsasaka, at sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga teknisyon ng mga sulong na teknolohiya para madagdagan ang ani ng mga panamin; at isa pa, bilang unit na responsible sa pagpoproseso sa mga agricultural byproducts, bumili ang mga bahay-kalakal ng mga agricultural byprodycts ng mga magsasaka, at sa gayon matiyak ang kanilang benipisyo."