Sa kasalukuyan, idinaraos ang ika-11 pambansang kongreso ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC, si Ginang Fan Bingbing na galing sa serbisyong Ruso ng China Radio International o CRI ay isang bagong halal na kinatawan ng CPPCC.
Noong ika-3 ng Marso ng taong ito ay araw ng pagbubukas ng unang pulong ng CPPCC, maagang gumising si Fan
"Masiglang masigla akong lumahok sa pulong na ito, kaya hindi ako nakatulog sa umaga."
Kilalang-kilala si Fan sa mga Rusong tagapagkinig ng CRI. Kahit halos 60 taong gulang na siya, nananatili pa rin siyang masigla. Noong nakaraang buwan, nahalal siya bilang bagong kinatawan ng CPPCC dahil sa kaniyang mahalagang ambag sa usapin ng Tsina ng pagsasahimpapawid sa labas.
Katulad ng mga iba pang kagawad, bago buksan ang pulong ng CPPCC, tumira si Fan sa hotel para gumawa ng paghanda para sa pulong.
"Bago ang pulong na ito, maaari naming mga kagawad na magpalitan ng ilang ideya sa kani-kanilang panukalang-batas. At ito ay paghahanda para mas malalim na talakayin ang ilang isyu ukol sa kabuhayan ng estado at pamumuhay ng mga mamamayan."
Naghanda ang halos lahat ng mga kagawad ng kanilang panukalang-batas sa pulong na ito at ang nilalaman nito ay may kinalaman sa iba't ibang larangan na gaya ng pulitika, kabuhayan, lipunan, kultura, palakasan. Ang bawat na ito ay dapat ipailalim ng mataimtim na pagsisiyasat at pananaliksik at may malawak na representasyon. Kaugnay nito, may sariling ideya si Fan, sinabi niya na
"Sa kasalukuyan, malakas ang hangarin ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa sa pagkakaunawa sa iba't ibang larangan ng Tsina. Datapuwa't limitado ang aming tsanel para magkaloob ng impormasyon sa kanila. Sa palagay ko, ito ay hindi nakakabuti sa komprehensibong pagkakaunawa ng mga dayuhang kaibigan sa kasaysayan. kultura, kasalukuyang kalagayan at iba pa ng Tsina at sa pag-uunawaan sa isa't isa naman."
|