Ang pagkakakilala ko sa NPC ng China ay ito ay isang legislative body na may distinctive characteristic although ang main function nito ay katulad din ng sa mga congress at parliament ng ibang bansa. Maikli lang ang session period nito pero halos kasing-dami rin ang accomplishments sa accomplishments ng counterparts nito sa ibang bansa. Bakit? Kasi mas less ang debate along political line dahil nakapokus ang mga representatives sa interest ng bansa. Parang wala na ngang halong politics sa kanilang mga talakayan. More on cooperation sila than fiscalization. Ito namang CPPCC, gaya ng pinakakahulugan ng pangalan nito, ay tumutulong sa NPC sa mga consultation in aid of legislation. Parang nagko-complement sila sa isa'at isa.
Pete Figueras Dubai
Sa pagkakaalam ko, itong National People's Congress ng China ay isang kongreso na ang attitude ay walang bahid ng pulitika at ang mga kinatawan ay walang vested interest. Malakas na malakas ang kanilang spirit of cooperation at malaki ang kanilang malasakit sa bayan kaya siguro walang nasasayang na oras sa kanilang mga pagmi-meeting at laging marami silang natatapos. Itong CPPCC naman ay katuwang ng NPC sa paggawa ng batas at more or less katulad din sa NPC ang attitude ng mga miyembro nito kaya mahigpit na nakapagtutulungan sila.
La Trixia Landicho Makassar, Indonesia
Ako naman, ang pagkakakilala ko sa NPC ng China ay ang Kongresong ito ay lihim na hinahangaan ng ibang bansa dahil alam nila na ito ay kumakatawan at nangangalaga sa lehitimong interes ng mga mamamayan ng China. Natitiyak ko na pareho rin ang impresyon ng mundo sa CPPCC dahil ito ang kapartner ng NPC sa pag-alam ng tunay na nararamdaman ng masa.
Butch Pangilinan Subic Bay Port Authority
Dear Kuya Ramon, alam ko na isa sa mga araw na ito ay magbubukas na ang NPC. Malaki ang pag-asa ko sa Kongresong ito at malaki ang aking tiwala. Mahirap nang makakita ng ganitong mga mambabatas sa panahong ito.
Pablo
Dear Ramon, ikumusta mo na lang ako sa mga lawmakers ng China. Good luck sa kanilang legislative work. Sana ma-update nila ang mga batas na dapat ma-update bago matapos ang session. Gusto kong pag-usapan nila ang intellectual property rights. Dito nalulugi ang film industries ng mundo atsaka recording companies. Sana pag-usapan din ang tungkol sa human and drug smugglings. Maraming buhay ang nasisira dahil sa dalawang ito.
Emmy
|