• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-18 16:17:24    
Katutubong arte, mainam na pinangangalagaan sa Tsina

CRI

Mula noong huling dako ng ika-8 dekada hanggang sa unang dako ng ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, malubhang naapektuhan ng mga dayuhang sining ang tradisyonal na sining ng Tianjin, kakaunti ang mga manonood sa dulaan ng narrative-singing tuwing araw at ang sining na ito ay nasa pinakamahirap na panahon at matumal ang pormang pansining ito.

Sa panahong ito, ginamit ng pamahalaang lokal ang isang serye ng hakbangin para tulungan ang narrative-singing na kinabibilangan ng pagkakatatag ng grupong pansining ng mga bata at sa kalauna'y ang mga mag-aaral sa grupong ito ay naging haligi ng mga tropang pansining sa kasalukuyan.

Si Ginang Huang Tieliang ay nagsisilbing haligi sa isang tropang pansining ng Tianjin, 70 taong gulang na siya at nagtuturo pa siya sa paaralang pansining tuwing araw at sa gabi, laging nagtatanghal sa dulaan. Sinabi niya na dahil sa masyadong pag-ibig sa comic dialogue, hindi nararamdaman niya ang pagod. Optimismo siya sa kasalukuyang kalagayan ng comic dialogue ng Tianjin, sinabi niya na,

"Ang Tianjin ay nagsisilbing bayang pinagsibulan ng narrative-singing. Maraming manonood ang nag-iibig sa narrative-singing at comic dialogue at itinatanghal ng mga grupo ang pormang pansining na ito tuwing araw."

Sa Tianjin, dumarami nang dumaraming nakababatang manonood ang nagsimulang makinig sa comic dialogue at sining pang-awit sa kapihan. Sinabi ni Chen Mingzhi, isang aktor ng comic dialogue na,

"Noon sa panahon namin, sa mga manonood, karamihan ay mga matatanda at ang pinakamasayang bagay sa kasalukuyan ay lumalaki ang bilang ng mga nakababatang manonood, lalo na ng mga estudyante sa mga kolehiyo at pamantasan. Kaya sa tingin ko, ito ang bilalidad ng comic dialogue."