Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Kung nakikinig ka, Sharmine Almario ng Technological University of the Philippines, tawagan mo ako sa mobile phone ko. May kinalaman ito sa tanong mo hinggil sa Olympics.
Jazmine Leung binubuksan ang ating munting palatuntunan ngayong gabi sa awiting "Pagsamba" na hango sa album na may katulad na pamagat.
Kayo ay nasa himpilang China Radio Internatioal at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Tingnan natin itong email ni Marivic Lim ng Bajac-Bajac, Olongapo City. Sabi: "Magandang Gabi ng Musika, Kuya Ramon. Narinig kong binasa mo ang SMS at sulat ko sa iyong programa. Napatunayan ko sa sarili ko na hindi ka namimili ng tagapakinig at pantay-pantay ang pagtingin mo sa kanilang lahat. Naging habit ko na ang pakikinig sa Gabi ng Musika at tulad ng ibang habit, mahirap na itong matigil. Maraming programa sa short-wave pero isa lang ang pinakikinggan ko-- iyong nagmumula sa Beijing, China.
Stevie Wonder at ang awiting "I Just Called To Say I Love You" na hango sa kaniyang album na may pamagat na "A Time To Love."
Sabi ng e-mail ni Jovy Ventura ng Bataan General Hospital: "Kumusta ka na, Kuya Ramon. Maganda iyong ginawa mong Christmas at New Year programs. Pinakinggan ko na, inirekord ko pa. Anong say mo? Talagang naramdaman ko ang Pasko at New Year sa mga programs na iyon. Ngayon, papalapit na ang Chinese New Year, ang year of the rat. Meron ka bang inihanda para sa amin?
Malapit na rin ang Valentine's Day. Ah, basta ako, pakikinggan ko kahit anong programa mo."
Thank you so much, Jovy. God love you.
Iyan naman ang Bread sa awiting "Aubrey" na buhat sa "Bread's Anthology" album.
SMS mula sa 915 807 5559: "Happy Year of the Rat sa inyo, Kuya Ramon. Sana ang earth rat na ito ay magbigay sa inyo ng ibayong tagumpay at kaligayahan. Believe na believe ako sa iyo. Ikaw ay genuine."
Salamat sa iyong message at compliment. God love you.
Mula naman sa 919 646 1939: "Sa Year of the Rat pala natapat ang Beijing Olympics. Sana hindi magkaroon ng anumang sagabal sa pagdaraos ng palarong ito. Tiyempo rin na first time itong gagawin sa China. Rat din ang una sa 12-animal cycle."
Thank you rin sa iyong SMS.
Narinig naman ninyo si Toni Gonzaga sa awiting "You are the One" na hango sa album na may katulad na pamagat.
At diyan nagtatapos ang ating munting pagtatanghal sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|