Ang ibang layon ng Tsina sa pagsasagawa ng naturang hakbangin ay pagbabawas ng Trade Surplus. Noong nagkaraang taon, ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ay kauna-unahang lumampas ng 2 trilyong dolyares, at ang lahat-lahat na trade surplus sa buong taon ay 262.2 milyong dolyares na lumaki ng 47.7%, at lumikha ito ng bagong record sa kasaysayan.
Ito ay nagdulot ng malaking presyur sa Tsina sa daigdig at bunga nito'y binibigyan-diin ng Tsina nitong ilang taong nakalipas ang pagsasagawa ng hakbangin para pasulungin ang pagkabalanse ng international revenue and expenditure. Sa taunang pulong ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC kamakailan, nabanggit ni premiyer Wen Jiabao ng Tsina ang naturang ideya:
"Kasabay ng pagpapanatili ng matatag na paglaki ng pagluluwas, dapat pabilisin namin ang pagbabago ng paraan ng pagpapaunlad ng kalakalang panlabas, pabutihin ang estruktura ng pagluluwas, enkorahehin ang pagluluwas ng sariling karapatan sa pagmamay-ari at sariling tatak, pataasin ang kalidad ng mga iniluluwas na pninda, aktiong palawakin ang pag-aangkat, pangunahin na, ang pag-aangkat ng mga sulong na teknolohiya, pasilidad, malahagang hilaw na material at ibapa."
Sinang-ayunan si Wen ni kagawad Zhang Xiaoji ng CPPCC sa pagsasabing ang pahayag ni Wen ay nagpapakitang tumutungo ang patakaran ng Tsina sa kalakalang panlabas sa isang mas bukas na direksyon.
"Ang ambag ng kalakalang panlabas sa Tsina ay hindi lamang sa trade surplus, kundi rin sa pag-aangkat ng ilang pasilidad, yaman at teknolohiya na kinakailangan namin para sa walang humpay na pag-a-up-grade ng estruktura ng industriya."
Sa kasalukuyan, ipinalalagay ng sirkulo ng bahay-kalakal at sirkulong akademiko na batay sa komprehesibong pagsasaalangalang ng elementong panloob at panlabas, sa taong ito, magiging mabagal ang paglaki ng trade surplus ng Tsina. Ipinalalagay ni Zhang Xiaoji na ito ay makakabuti sa pagpapabagal ng kabuhayan ng Tsina na nasa bingit ng over heating.
|