• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-20 18:30:03    
Beijing Olympic Medals

CRI
Kahapon ay 500-araw na countdown sa 2008 Olympic Games. Nang araw ring iyon, pormal na isinapubliko ng Lupong Tagapag-organisa ng Olimpiyada ng Beijing, BOCOG, ang mga medalya na gagamitin sa Olimpiyadang ito.

70 milimetro ang diyametro at 9 milimetro ang kapal ng mga medalya ng 2008 Olympic Games. Sa harapan ng medalya nililok ang dibuho ng tumatayong Victory Nike na may pakpak at Panathinakos Arena ng Greece. Ang mga dibuhong ito ay angkop sa tadhana ng International Olympic Committee. Sa likod naman, may isang jade ng nagkakaibang kulay alinsunod sa ginto, pilak at tanso ang medalya at sa gitna ng jade, iniukit ang emblem ng Beijing Olympic Games. Ang pagdidisenyo ng ganitong medalya ay batay sa "bi", antigong jade piece ng Tsina at ipinakikita nito ang malalimang katangiang Tsino.