• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-20 18:31:10    
Beijing Olympic Torch

CRI

Opisyal na isinapubliko kagabi sa Beijing ang disenyo ng sulo at itinakdang ruta ng pahahatid nito para sa Olimpiyada sa taong 2008.

Sinimulan ang paghahatid ng sulo sa Berlin Olympics noong taong 1936 at sapul noon, nagsisilbi itong mahalagang bahagi ng Olimpiyada.

Magkasamang inalisan ng tabing kagabi ang sulo ng Beijing Olympics nina Chen Zhili, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Hein Verbruggen, Tagapangulo ng Komisyon ng Koordinasyon ng Pandaigdig na Lupon ng Olimpiks o IOC para sa Beijing Olympics. Samantala, magkasamang isinapubliko ang pinlanong ruta ng paghahatid ng sulo nina Luo Gan, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Kumunista ng Tsina o CPC at Jacque Rogge, Pangulo ng IOC.

Napag-alamang ang tema ng paghahatid ng sulo ay biyaheng may harmonya at ang islogan nito ay pagsisindi ng sigasig at paghahatid ng pangarap. Nakatakdang simulan ang paghahatid ng sulo mula sa Beijing sa Marso ng taong 2008 at sa ika-8 ng Agosto ng susunod na taon, ibabalik ang sulo sa gym sa Beijing na pagdarausan ng seremonyang pambungad ng ika-29 na Olimpiyada. Sa loob ng 130 araw, dadaan ang sulo ng 113 lunsod na Tsino at 22 lunsod na dayuhan at lalampas sa 130 libong kilometro ang kabuuang haba ng relay route.

Kaugnay ng tema ng paghahatid ng sulo, sinabi ni Liu Qi, Tagapangulo ng Lupong Tagapag-organisa para sa Olimpiyada sa Beijing sa taong 2008 o BOCOG, na:

"Makakalikha ng rekord ang gagawing paghahatid ng sulo pagdating sa haba ng ruta, saklaw ng dadaanan at bilang ng mga lalahok na tao. Umaasa kaming sa pamamagitan ng seremonyang ito, muling maihahatid sa buong mundo ang diwa ng Olimpiyada, maipapakita ang magagandang tanawin, kaugalian at kultura ng mga dadaanang lunsod at rehiyon at mapapalaganap ang tema ng Beijing Olympics na isang mundo, isang pangarap at nang sa gayon, mapapasulong ang pag-uunawaan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa."

Higit na kapansin-pansin, dadaan din ang sulo sa 11 lunsod na matatagpuan sa Silk Road, isang mahalagang linya ng kalakalang panlabas ng sinaunang Tsina at gayundin sa mga bansa na hindi pa ring nagdaos ng Olimpiyada. Lubusang hinangaan ito ni Pangulong Rogge ng IOC. Sinabi niya na:

"Sa pamamagitan ng pagbagtas sa makabuluhang Silk Road, sagisag ng kalakal ng Tsina at daigdig at pagdaraan ng limang kontinente na kinabibilangan ng mga lugar na hindi dinaanan ng banal na apoy, tulad ng kahulungan ng tema ng paghahatid ng sulo na biyaheng may harmonya, maihahatid ng sulo ng Beijing Olympics ang pagkakaibigan at paggagalangan ng iba't ibang nasyon, lahi at taong magkakaiba sa pananampalataya."

Bukod dito, sa kauna-unahang pagkakataon, dadalhin ang sulo sa Mount Qomolangma o Mount Everest, ituktok ng mundo.

Kaugnay ng disenyo ng sulo, ito ay hugis-scroll o balumbon ng papel na may haba na 72 sentimetro at bigat na 985 gramo. Sa 1:1 proporsyon, nahahati ang sulo sa dalawang bahagi. Sa itaas na bahagi, makikita ang tradisyonal na disenyo ng mga tinatawag na "masuwerteng ulap" o lucky cloud ng Tsina at sa ibaba naman, ipininta itong pula sa pamamagitan ng lacquer, isang tradisyonal na katangi-tanging pintura ng Tsina.

Kaugnay ng disenyo ng sulo, sinabi ni Qiu Jiayu, punong tagadisenyo mula sa Innovation Design Center ng Lenovo Group ng Tsina, na:

"Sa pagdidisenyo ng sulo, naisip namin ang apat na imbensyon ng sinaunang Tsina. Makabuluhan ang papel at salamat sa industriya ng paggawa ng papel, naisusulat at naisusulong ang sibilisayon ng sangkatauhan at bawat karaniwang tao ay nagkakaroon ng higit na madaling paraan sa pag-alam ng kasaysayan at pagtatamo ng karunugnan at angkop ito sa diwa ng paghahatid ng sulo na maaaring lumahok dito halos lahat."