Gayon pa man, bilang isang arkitekto, lalo na bilang inhenyerong namamahala sa pagtatayo ng konstruksyon ng "Water Cube", inamin ni Wang Wubin na kaalakbay ng masiglang damdamin, lagi din siyang nag-aalala at naliligalig, sapagkat ang mga kahirapan at panghahamong kinakaharap nila sa konstruksyon ay di pa naranasan sa nakaraan. Kaya sa proseso ng pagtatayo ng konstruksyon, tulad ng ibang inhenyero, laging nahaharap si Wang Wubin sa maraming kahirapan, kaya laging di mapalagay ang kanyang kalooban, lagi siyang nag-aalala na makapapasa kaya sa praktikal na pagsusulit ang kanyang preliminaryong plano. Anya:
"Para sa mga inhenyerong kasali sapagtatayo ng konstruksyon, dapat lutasin muna nila ang problemang matatanggap ba ang kanilang preliminaryong plano."
Sapagkat isa itong panibagong estruktura na wala pang nakagawa niyon sa nakaraan. Nooong Abril ng 2006, natapos na ang lahat ng estruktura. Pagkaraang alisin ang mga malalaking makinarya noong Hunyo, ang resultang natamo sa pangwakas na pagsusuri, sa lahat ng estruktura ay higit na nakalalamang sa mga data na ibinigay namin sa pagdedesenyo at kalkulasyon. Nadarama naming totohanan nang natupad ang mga bagay na sama-samang pinag-buo ng kapaguran ng lahat ng kasaling inhenyero at daklubhasang nagmula sa mga departamento ng pagdedesenyo at iba't ibang akademiya ng siyentipikong pananaliksik. Tuwang-tuwa kami noon.
Tungkol sa pagkakahumaling niya sa "Water Cube" at pagkakaroon ng bigkis sa Olympic Games, ipinalalagay ni Wang Wubin na para sa isang arkitekto, isang magandang kapalaran ito na di niya makakalimutan sa tanang buhay niya.
"Sa palagay ko, ang olympic Games ay hindi lamang isang pagtitipong pampalakasan, may maraming nilalaman ito, nagtagumpay ang Tsina sa pag-aplay na magdaos ng Olympic Games sa kauna-unahang pagkakataon. Sa gayo'y nagkatotoo ang pagdaraos ng Tsina ng Olympic Games, na siyang minimithi ng mga overseas Chinese at mga taong may dugong Tsino sa ibayong dagat. Ipinalalagay kong, bilang isang inhenyero, sinamantala ko ang pagkakataon ng pagdaraos ng Olympic Games at sa pamamagitan ng nagsasariling paglikha ay magtayo ng ilang konstruksyong makatuturan sa panahong ito at siyang mohon sa larangan ng konstruksyon sa daigdig. Nadarama kong isa itong napakamahalagang aspekto para sa mga arkitekto at inhenyerong kalahok sa mga gawain sa Olympic Games."
|