• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-21 17:53:55    
NPC, CPPCC at mga Isyung Pinahahalagahan ng mga Tagapakinig

CRI
Ngayong gabi, sa unang dalawang bahagi ng programang ito, malalaman natin mula sa ilang tagapakinig kung anu-anong isyu ang gusto nilang mapag-usapan sa NPC at CPPCC--at kung bakit.

Patuloy pa rin hanggang ngayon ang sesyong plenaryo ng NPC, Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at CPPCC, Pulitikal na konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino at marahil hanggang sa mga oras na ito, natalakay na rin ng mga nabanggit na Kongreso at Konsultatibong Kapulungan ang mga pinahahalagahang isyu ng mga tagapakinig.

Anyway, sa pag-uusap namin sa telepono, sinabi ni Mike Jacutin ng Riyadh, Saudi Arabia na hindi dapat mawala sa agenda ng NPC at CPPCC ang isyu ng kababaihan. Ang kababaihan aniya ay isang malakas na puwersang panlipunan at dapat lamang ipagkaloob sa kanila ang karapatang mayroon din sila na tulad ng pakikisangkot sa usaping panlipunan at pang-estado. Dapat din aniyang magkaroon ng mahigpit na batas para maiwasan ang diskriminasyon sa kababaihan lalo na pagdating sa empleyo.

Sabi naman ng call center agent na si Pomett Ann Sanchez ng Maynila at Singapore, dapat pagtuunan din ng pansin ng NPC at CPPCC ang trans-national at ang cyber crime. Maraming buhay aniya ang napipinsala dahil sa trans-national crime at kailangan ang batas na may "matalas na ngipin" para masugpo ito at mabuwag ang mga international syndicate na sangkot dito. Dapat din aniyang agapan ang cyber crime na sumulpot kasabay ng pag-unlad ng makabagong teknolohiya. Marami aniyang establisyemento ng negosyo at indibiduwal ang naaapektuhan ng krimeng ito.

Sabi naman ng stenographer na si Minda Gertos ng Maynila at Cebu City, marahil ay pamilyar na pamilyar na raw tayo sa tinatawag na climate change. Ito aniya ay isa ring pandaigdig na isyu at ito ay nag-uugat sa kakulangan ng pangangalaga sa kapaligiran. Hindi pa aniya huli para mapigilan ito at ang isang mahalagang dapat gawin ay magsabatas ng mga hakbangin na makapipigil sa pang-aabuso ng mga tao sa kalikasan.

Tingnan naman natin ang mga isyung kinaiinteresan ng ating textmates.

Mula sa 919 426 0570: "Sa NPC at CPPCC: Ipagpatuloy ang inyong magandang nasimulan para ang bayan lalong masiyahan. Buong mundo kayo ay hinahangaan."

Mula naman sa 915 807 5559: "Ang NPC ay mahirap tularan pero dapat pamarisan. Ito'y mga grupo ng kalalakihan at kababaihan na mga tunay na anak ng bayan."

At mula naman sa 917 401 3194: "Hindi lang sila kumikibo, ni nagsasalita. Sila ang mga tapat na tagahanga ng NPC. Sila ang tinatawag na silent majority. Keep up the good work. Impressed kami."

Tingnan naman natin kung ano ang laman ng mga liham nina Blanca Cabral, K. C. Orioste at Sarah Samudio.

Sabi ni Blanca: "Kuya Ramon, naniniwala ako na malulutas ang isyu ng malinis na hangin sa Beijing bago magsimula ang Olympics sa August. Napakarami nang ginagawang hakbangin ang host city para magkaroon ng improvement ang hangin sa capital at kabilang dito ay ang pagpapatigil ng mga pribadong sasakyan sa isang partikular na araw. Maski ang mga opisyales ng IOC ay may malaking tiwala rin sa Organizing Committee ng Bejing. Para sa akin, halos handang-handa na ang Beijing para sa historic games."

Sabi naman ni K. C. Orioste: "Kuya Ramon, huwag naman sanang makaranas ng pang-i-snob ng balana ang Paralympic Games na gaganapin sa Beijing pagkaraan ng quadrennial Games. Pakitaan naman natin ng malasakit ang mga manlalarong may physical disability. Kaunti lamang ang ganitong pagkakataon kung kailan maipapamalas nila ang kanilang talento. Ibigay natin sa kanila ang lahat ng support na maibibigay natin. Hindi naman natin bibilhin ito."

Sabi naman ni Sarah ng AMA Computer Center Makati: "Ang Beijing Olympics ang magiging kauna-unahang clean and green Olympics at environment-oriented Olympics sa mundo. Ito ay ipinakikita ng Bird's Nest na siyang pagdarausan ng opening at ng closing ceremony. Ang structure na ito ay dinesenyo para maiwasan ang sobrang paggamit ng energy. Ang liwanag nito ay mula sa sunlight."

Maraming salamat sa inyo, Blanca, K. C., at Sarah at ganundin sa inyong lahat sa inyong walang-sawang pakikinig. Hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.