• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-24 18:28:34    
Marso ika-17 hanggang ika-23

CRI
Sa paanyaya ni Wu Bangguo, tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, si pangulong Thongsing Thammavong ng parliamento ng Laos ay magsasagawa ng opisyal na pagdalaw na pangkaibigan sa Tsina mula kahapon hanggang Miyerkules.

Sinimulan noong Sabado ng delegasyon ng Kongresong Bayan ng Beijing na pinamumunuan ni Du Deyin, direktor ng pirmihang lupon nito, ang 4 na araw na pagdalaw sa Pilipinas. Sa panahon ng pagdalaw, nagtagpo sina Du at Alfredo Lim, alkalde ng Maynila. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa ibayo pang pagpapalakas ng relasyon ng Beijing at Maynila bilang sister cities at pagpapalalim ng kooperasyon ng dalawang lunsod sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, kultura, edukasyon, turismo at iba pa. Isinalaysay pa ni Du ang kalagayan ng paghahanda ng Beijing para sa Olympic Games.

Pormal na naisaoperasyon noong Miyerkules ang unang regular na direktang flight sa pagitan ng Chengdu, isang lunsod sa timog-kanlurang Tsina at kabiserang Manila ng Pilipinas. Ayon sa salaysay ng may kinalamang namamahalang tauhan, ang nasabing flight ay naisasagawa ng Philippine Airline Company, gumagamit ng eroplanong Airbus-A320, may 4 na round trip bawat linggo at ang panahon ng paglipad ay 3 oras at 40 minuto, sa gayo'y, natipid nang mga 2 oras kumpara sa dating flight na dumaan sa Hong Kong at iba pang lunsod.

Lumagda noong Miyerkules sa Haikou ang Temasek Foundation ng Singapore at Lalawigang Hainan ng Tsina sa kasunduan at pormal na sinimulan ang proyekto ng pagbibigay-tulong sa konstruksyon ng usapin ng edukasyon at kalusugan ng lalawigang ito. Ayon sa kasunduan, mula kasalukuyang taon, maglalaan ang Temasek Foundation ng 6 na milyong yuan RMB para sa pagsasanay sa 120 gurong nagtuturo ng Engles sa mababa at mataas na paaralan sa lalawigang ito, samantala, magkakaloob din ito ng mahigit 7.5 milyong yuan RMB para sa pagsasanay sa mahigit 150 doktor at nars ng lalawigang ito. Sa kasalukuyan, isinagawa na ang naturang 2 proyekto ng pagsasanay.