Ayon sa salaysay, sapul nang itatag ang Yang Ling demonstration zone, higit sa 600 teknolohiyang magagamit sa pagsasaka ang ipinalaganap at ang mga magsasaka na nasanay ay umabot sa mahigit 3 milyong person-time.
Sagana sa yaman ang gawing kanluran ng Tsina, at ang Shangxi ay isa sa mga lalawigan sa gawing kanluran ng bansa na sagana sa mina. Nitong ilang taong nakalipas, ang industriya ng enerhiya ay isa sa mga mahalagang industriya na puspusang pinauunlad ng Shanxi.
Nang kapanayamin ng mamamahayag, isinalaysay ni Ginoong Li Xiaodong, direktor ng lupon sa pagpaplano at reporma ng Lalawigang Shanxi na sa kasalukuyan, ang industriya ng enerhiya ng lalawigang ito ng takdang lebel, at sa hinaharap, maglalaan pa ito ng 200 bilyong Yuan para mapasulong ang industriya ng enerhiya at kemika. Sinabi niya:
"Sagana ng mga yamang-enerhiya ang hilagang silangan, kaya dapat natin samantalahin ang bentaheng ito sa pagpapalaki ng kita ng mga magsasaka."
Kung ihahambing sa iba pang purok sa gawing kanluran ng bansa, may malinaw na bentahe ang Shanxi sa mga aspektong kinabibilangan ng imprastruktura, edukasyon, siyensiya't teknolohiya at iba pa, at nagkakaloob ang mga ito ng magandang kondisyon para sa pagpapaunlad ng Shanxi ng mga industriya ng high-tech. Nitong ilang taong nakalipas, magkakasunod na itinatag sa Shanxi ang mga high-tech development zone.
Ang DaTang Telecom Technology Co. Ltd. ay isa sa mga pinakamalaking manufacturer at serving agency ng mga instalasyon ng tele-komunikasyon sa Tsina, at nitong pitong taong nakalipas sapul nang itatag ito, ang pangunahing research base nito ay nasa high-tech area sa Xi'an. Kugnay nito, sinabi ni Ginoong Wu Jie, isang namamahalang tauhan ng naturang kompanya na:
"May maraming unibersidad at instituto ng pananaliksik sa Xi'an, at masagana ang yamang-manggagawa, kaya maganda ang kapaligiran sa aspekto ng pagpapaunlad ng software at system installation."
|