• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-24 18:30:09    
Kagawad na si Lei Shiyin

CRI
Si pari Lei Shiyin ng Katolisismo ay isang kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC. Ang karirinig ninyo ay misa na ginawa ni Lei Shiyin sa madaling araw. Si Lei ay galing sa lalawigang Sichuan sa dakong timog kanluran ng Tsina at lumalahok sa taunang pulong ng CPPCC sa Beijing. Tuwing alas-6 medyo sa umaga, nagmimisa siya para sumalubong ng pagdating ng bagong araw.

Isinilang si Lei sa Leshan ng lalawigang Sichuan at sa wikang Tsino, ang kahulugan ng Leshan ay masayang purok. Sinabi ni Lei na bilang isang pari, unang-una, dapat maging isang masasyang tao. Kaya ang pagtulong sa iba pang mga tao nang hangga't makakaya niya ay nagsisilbing pinag-uugatan ng kaniyang kasayahan.

Tuluy-tuloy na si Lei ang naging kagawad ng CPPCC tatlong beses. Mula noong 1998, pumunta siya sa Beijing tuwing tagsibol para lumahok sa taunang pulong ng CPPCC, makilahok at makipagtalakayan sa mga pambansang suliranin at iharap sa pamahalaan ang ilang makatuwirang mungkahi bilang kinatawan ng sirkulo ng relihiyon.

Ang CPPCC ay nagsisilbing mahalagang organisasyon ng pagtutulungan ng mga partido at pagkokoordinahang pulitikal na pinamumunuan ng Partido Komunista ng Tsina at ito ang mahalagang porma ng pagpapatingkad ng Tsina ng demokrasiya. Ang pangunahing tungkulin nito ay konsultasyong pulitikal, demokratikong pagsusuperbisa, pakikilahok at pakikipagtalakayan sa mga pambansang suliranin. Ang mga kagawad ay binubuo ng mga tauhang galing sa 34 sirkulo na gaya ng iba't ibang demkratikong partido, mga grupong walang kinaaanibang partido, pangsibilyang samahan, iba't ibang pambansang minoriya at iba pa. Ang mahalagang paraan ng pagpapatupad ng naturang mga kagawad ng kanilang tungkulin ay iharap ang ilang pag-asa, mungkahi at kahilingan sa pamahalaang sentral sa pamamagitan ng kanilang mga panukalang-batas.

Dahil namumuhay siya sa kanayunan, ang nilalaman ng mga panukalang-batas ni Lei ay may kinalaman sa mga magsasaka. Sinabi niya na

"Umaasa akong patataasin ng piskal na sentral ang subsidy sa mga tauhang nagtatrabaho sa larangan ng pag-iwas ng sakit ng mga hayop sa kanayunan, kasi sila ay nagsisilbing garantiya ng seguridad ng pag-aruga at napakahalaga ng papel nila sa kanayunan."

Nitong ilang taong nakalipas, di-mabibilang ang mga panukalang-batas na nilahukan ni Lei at ang mga ito ay maasyos na nilutas. Ayon sa salaysay, nitong 5 taong nakalipas, ang 99% ng mga panukalang-batas na iniharap ng mga kagawad ng CPPCC ay tinanggap o nilutas. Lubos na pinainit nito ang kasiglahan ng mga kagawad na kinabibilangan ni Lei sa pakikilahok at pakikipagtalakayan sa mga pambansang suliranin.

Sa pulong na ito ng CPPCC, nakinig ang lahat ng mga kagawad sa ulat ni Tagapangulo Jia Qinglin ng CPPCC ukol sa gawain ng nakaraang pirmihang lupon nito, bilang kinatawan ng sirkulo ng relihiyon ng Tsina, lubos na ikinasisiya ni Lei ang pakikinig sa pagbanggit ni Jia sa kaniyang ulat hinggil sa gawain nito sa pagpapatupad ng patakarang panrelihyon ng bansa at

"Ang ika-10 CPPCC ay nagsagawa ng paglalakbay-suri, pagsisiyasat at pananaliksik batay sa pagpapatupad ng regulasyon ng mga suliraning panrelihiyon at nagpasulong ng paglutas ng mga isyung panreliyon. Idinaos ang mga simposyum ng sirkulong panrelihiyon bilang pagdiriwang sa ika-60 anbersaryo ng tagumpay ng Chinese Anti-Japanese War and World Anti-Fascist War at opisiyal na ipinalabas ang Pahayag na Pamayapa ng Sirkulong Panrelihiyon ng Tsina. Idinaos ang aktibidad ng pagdasal na pamayapa ng halos sampung libong tagasunod ng Taoismo at Buddhismo sa mainland, Taiwan, Hong Kong at Macao. Ito ay lubos na nagpakita ng matapat na hangarin ng sirkulong panrelihiyon ng Tsina sa pagpapasulong ng reunipikasyon ng bansa at pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig."

Kaugnay ng pangangalaga ng pambansang patakaran sa kalayaan ng pananampalataya at aktibidad na panrelihiyon na nabanggit ni Jia, malalim ang karanasan ni Lei hinggil dito, lalo na sa pangangalaga sa pagmamay-ari ng mga di-natitinag na ari-ariang panrelihiyon. Ikinasisiya niya ng ginawa ng pamahalaan. Nitong 5 taong nakalipas, naglaan ang pamahalaan ng mahigit 400 milyong yuan RMB para sa pangangalaga at konstruksyon ng mga lugar-pinagdarausan ng aktibidad na panrelihiyon. Sinabi niyang

"Tumupad sa kabuuan ang pagsasauli ng mga okupadong ng bahay na panrelihiyon at para sa'yong hindi maisauli, isinagawa ng mga pamahalaang lokal ang kompensasyon sa iba't ibang paraan. Bukod ng Katolisismo, ang isyung ito ng iba pang relihiyon ay nilutas din sa pamamagitan ng pagkokoordinahan at pagsisikap ng may kinalamang departamento ng bansa pagkaraang iharap ang panukalang-batas sa CPPCC."