Sinindihan ngayong araw sa Olympia, Greece, ang apoy para sa ika-29 na Olimpiks na idaraos sa Beijing sa darating na Agosto.
Alas-onse ng umaga (local time), sinimulan ang seremonya ng pagsisindi ng apoy ng Olimpiyada. Unang una, itinaas ang watawat ng Olimpiyada at tinugtog ang awit ng Olimpiyada. Pagkaraan, idinaos ang seremonya ng pagtataas ng pambansang watawat ng Greece at Tsina at pagtutugtog ng pambansang awitin ng nasabing dalawang bansa ayon sa pagkakasunod. Bilang pagpapahalaga sa seremonya, sa kauna-unahang pagkakataon, lumahok sa seremonya ng pagsisindi ng apoy si Pangulong Karolos Papoulias ng Greece.
Si Minos Kyriakou, Puno ng Hellenic Olympic Committee o HOC ng Greece ay ang unang tauhang bumigkas ng talumpati. Ipinahayag niya ang kaniyang taos-pusong hangring mapapalaganap, sa pinakamalaking digri, ng apoy para sa Beijing 2008 Olympics ang diwa ng Olimpiyada at halaga ng palakasan at pagtitipun-tipunin nito ang mga atleta nang may taglay na sportsmanship at tatanglawan din nito ang Beijing Olympic Games sa pinakakasiya-siyang porma. Ipinahayag din niya ang kanyang pag-asang makapagtatamo ng kasiya-siyang tagumpay ang gaganaping Beijing Olympics.
Ang apoy ng Olimpiyada at sulo ng Olympiyada ay itinuturing na katangi-tanging simbolo ng magkakasamang paghahangad sa kapayapaang pandaigdig at sportsmanship ng sangkatauhan sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa nasyonalidad, wika, pananampalataya at lahi. Batay rito, ipinahayag din ni Jacques Rogge, Puno ng IOC, Pandaigdig na Lupon ng Olimpiks, ang kanyang hangarin para sa gaganaping Beijing Olympic Games. Umaasa aniya siyang maiintindihan ng bawat tao ang kabuluhan ng apoy ng Olimpiyada at sa dadaanan nito, magdudulot ito ng pagkakaibigan at kapayapaan at makakapukaw ng prospek ng mga tao para sa hinaharap. Binigyang-diin din niyang ang paghahatid ng sulo at pagdaraos ng Olimpiyada ay dapat ganapin sa mapayapang kapaligiran dahil sumasagisag ng harmonya ang sulo ng Olimpiyada.
Bilang kinatawan ng punong-abala, ipinahayag naman ni Liu Qi, Puno ng BOCOG, Lupong Tagapag-organisa para sa gaganaping Beijing Olympiad, ang kanyang pasasalamat sa mga mamamayan at pamahalaan ng Greece. Aniya, sa magkakasamang pagsisikap ng mga mamamayan mula sa Tsina, Greece at iba pang mga bansa sa daigdig, magiging kahanga-hanga at mataas ang lebel ng gaganaping Beijing Olympics. Umaasa aniya ang panig Tsino na laging magtatanglaw ng biyahe ng sangkatauhan sa paghahangad ng kapayapaan, pagkakaibigan at progreso.
Kasabay ng solemnangtunog ng tambol, 20 priestess na nakasuot ng tradisyonal na bestido ng sinaunang Greece ang lumitaw at at pinaligiran nila ang dambana sa harap ng Temple of Hera. Ang high priestess naman na si Maria Nafpliotou ay lumakad sa sentro ng dambana. Pagkaraang magbasa ng oda para kay Pebo, inilagay niya ang sulo sa focus ng concave mirror sa harap ng dambana. Pagkaraan ng ilang sekundo, sinindihan ang sulo.
Pagkaraan ng ilan pang seremonya, sinindihan ng High Priestess ang sulo ng unang torchbearer sa pamamagitan ng kanyang nagliliyab na sulo. Sinabi rin niya sa unang torchbearer sa wikang Griyeko na: "Ihatid sa buong daigdig ang apoy at sabihin sa mga tao na sisimulan na ang Olimpiyada."
Ang unang masuwerteng torchbearer ay si Alexandros Nikolaidis, Greece's silver medalist for taekwondo sa 2004 Athens Olympics. Sinabi niya sa mamamayag na bilang unang torchbearer para sa gaganaping Beijing Olimpiks, buong-sikap niyang tutupdin ang kanyang tungkulin.
Sa susunod na isang linggo, ihahatid ang sulo sa loob ng Greece at sa ika-30 ng buwang ito, darating ito sa Athens na kung saan ililipat ito sa punong-abala para sa gaganaping Olimpiyada. Sa huling araw ng buwang ito, iparating sa Beijing ang sulo.
Napag-alamang ang buong proseso ng paghahatid ng sulo para sa Beijing Olympic Games ay tatagal ng 130 araw. Aabot sa 137 libong kilometro ang kabuuang haba ng linya ng paghahatid at lalahok dito ang 21880 torchbearer.
|