Kuya Ramon, naniniwala ako na malulutas ang isyu ng malinis na hangin sa Beijing bago magsimula ang Olympics sa August. Napakarami nang ginagawang hakbangin ang host city para magkaroon ng improvement ang hangin sa capital at kabilang dito ay ang pagpapatigil ng mga pribadong sasakyan sa isang partikular na araw. Maski ang mga opisyales ng IOC ay may malaking tiwala rin sa Organizing Committee ng Bejing. Para sa akin, halos handang-handa na ang Beijing para sa historic games.
Blanca
Kuya Ramon, huwag naman sanang makaranas ng pang-i-snob ng balana ang Paralympic Games na gaganapin sa Beijing pagkaraan ng quadrennial Games. Pakitaan naman natin ng malasakit ang mga manlalarong may physical disability. Kaunti lamang ang ganitong pagkakataon kung kailan maipapamalas nila ang kanilang talento. Ibigay natin sa kanila ang lahat ng support na maibibigay natin. Hindi naman natin bibilhin ito.
K. C. Orioste
Ang Beijing Olympics ang magiging kauna-unahang clean and green Olympics at environment-oriented Olympics sa mundo. Ito ay ipinakikita ng Bird's Nest na siyang pagdarausan ng opening at ng closing ceremony. Ang structure na ito ay dinesenyo para maiwasan ang sobrang paggamit ng energy. Ang liwanag nito ay mula sa sunlight.
Sarah ng AMA Computer Center Makati
|