Sa lupang tinubuan ni Lei, ginamit ang isang simbahan bilang kuwartel noong panahon ng digmaan, pagkatapos ng digmaan, ginamit ito bilang isang lugar na panturista. Sa kasalukuyan, ang simbahang ito ay ibinalik sa sirkulong panrelihiyon. Sinabi ni Lei na
"Ibinalik ng pamahalaang lokal ang simbahang ito sa samahang panrelihiyon. Nakumpuning mabuti ito. Maganda ang nagpapanibagong simbahan at normal doon ang mga aktibidad na panrelihiyon. Ang lahat ng mga pari at mongha ay nakikilahok sa pangangasiwa sa simbahang ito."
Ang 45 taong gulang na si Lei ay isinilang sa isang pamilya ng magsasaka. Ang lahat ng kaniyang kamag-anak sa 5 henerasyon ay mga Katoliko. Di iisa ang kaniyang pamilya sa kanyang nayon na sa hene-henerasyo'y naniniwala sa panginoon, ganyan din ang marami iba pang pamilya sa lalawigang Sichuan, may mas maraming pamilyang Katoliko at mahaba ang kasaysayang nito.
Sinabi niya na "Ang paniniwala sa Katolisismo ay naging isang kaugalian sa hene-henerasyon at ganap na nakisalamuha ito sa lokal na kultura, mga mamamayan at pamumuhay at tinanggap ito ng mga mamamyang lokal. Ang mga taong may iba't ibang relihiyon ay naggalangan at namumuhay nang pamayapa."
Sina Lei at Tandzin Trinle, Living Buddha ng ika-5 henerasyon ng Tsemoinling ay matalik na magkaibigan sa mahabang panahon. Ang Living Buddha ay iginagalang na lider ng Tibetanong Budismo. Nagtagpo sila sa isang piging.
Lei: Matagal ang pagkaibigan nami ng Buda at tuwing pumunta sa Tibet, tiyak siya'y puntahan ko.
Tsemoinling: kahit magkaiba ang aming pananampalataya, marami kaming magkatulad na bagay at sa pagitan natin walang anumang hadlang.
Lei: ang pagkakaiba ng pananampalataya ay hindi nakakaapekto sa aming pagkaibigan.
Magkakaibigan si Lei at ang mga lider ng 5 pinakamalaking relihiyon ng Tsina. Bilang kagawad ng sirkulo ng relihiyon, may isang espesyal na karanasan si Lei nitong ilang taong nakalipas na ang paglahok sa pulong ng CPPCC ay nakapagpapailalim ng pagkakaunawaan at pagpapalitan sa pagitan ng magkakaibang pananampalataya. Sinabi niya na
"Hindi purong nagmimisa lamang ang mga Katoliko buong araw, may ibang mga suliraning panlipunan naman ang dapat gawin naming.. Napagkaibigan ang relasyon sa pagitan ng iba't iang relihiyon. Nagpipitagan kaming lahat. Nag-aaral kami sa isa't isa sa mga larangan ng pangangasiwa, pagdaraos ng aktibidad, serbisyong panlipunan at iba pa."
Sa kasalukuyan, pinaplano ni Lei ang pagtatatag ng isang espesyal na digital tsanel ng TV sa Tsina para sa gawaing pangkawanggawa. Sinabi niya na ang kawanggawa ay isang mahalagang usapin kung saan makakaganap ng relihiyon ng papel nitong panlipunan at gusto niyang mapasulong ang usaping ito.
|