• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-25 20:50:17    
Lin Cho-Liang at kanyang magandang himig ng biyolin

CRI

Itinanghal kamakailan sa Beijing ng kilalang biyolinista na si Lin Cho-Liang, at mabihag ang puso ng mga manonood ng magandang himig ng biyolin niya.

Isinilang si Lin sa Taiwan noong 1960 at sinimulang matuto sa pagtugtog ng byolin noong 5 taong gulang siya. Nang sariwain ang tungkol sa kaniyang pag-aaral ng byolin noong panahong iyon, sinabi niya na,

"Lumaki ako sa Taiwan. Noong 5 taong gulang ako, isang bata ng aking kapitbahay ang natututo sa pagtugtog ng byolin at inaakit niya ako. Ipinalalagay ng mga magulang ko na intersado ako sa musika, kaya, ibinili nila ako ng isang biyolin, at ipinadala ako sa klase ng byolin."

Mataas ang henyo ni Lin sa pagtugtog ng byolin at dagdag pa sa kaniyang sariling pagsisikap, nang 10 taong gulang siya, naging kampeon siya sa isang paligsahan ng byolin ng Taiwan sa grupo ng mga bata. Pakaraan nito, pumunta siya sa Australia at Estados Unidos para sa advanced study sa mga konserbatoryo ng musika doon. Noong 17 taong gulang siya, naging kilala na siya sa daigdig. Sinabi niya na,

"Noong 17 taong gulang ako, nagtapos ako ng high school. Nanguna ako sa kilalang paligsahang pandaigdig ng byolin sa Espanya. Ito ay turning point sa aking korerang ng musical ko at sinimulan ko ang abalang pagtatanghal sa Espanya. Ito ay mabuting karanasan para sa akin, dahil sa konserbataryong musical, gaano man katagal ang pagsasanay mo, hindi ito maihahambing sa pagtatanghal sa harap ng mga manonood. Lubos na ikinatuwa ko ito."

Sinabi ni Lin na ang pag-aaral ng byolin ay isang napakahirap na progreso, datapuwa't puno ito ng kaligayahan. Sinabi niya na,

"Optimistiko ako at mahilig na mahilig sa musika. Kaya nadarama kong lipos ng kaligayahan ang pagtuto sa pagtugtog ng byolin. Datapuwa't alam ko na sa karera ng mga tao, may nakatagpo silang kalagayan ng karaniwan, o hindi alam kung papaanong gagawa sa susunod nang umabot sa isang takdang antas. Bawat tao ang nakakatagpo ng maraming kahirapan sa kanilang pamumuhay at wala rin isang mang musikero ang nagkakaroon ng plain sailing sa kanilang karera. Papaanong mapapanaigan ito? Unang-una, dapat hanapin ang inspirasyon ng musika, at ito ay isang bagay na dapat hanapin ng isang musikero sa habang buhay. Sa palagay ko, kung mawawalan ang isang musikero ng inspirasyon at kasiglahan sa musika, dapat siya magretiro."