Ang pagtugtog ni Lin Cho-Liang ay kilala sa kapinuhan, at mahambing na tunog. Tuwing nagpapakita siya sa tanghalan, nangingiti siya sa mga manonood. Ang ngiting ito ay nagpapaantig sa lahat ng mga manonood. Ipinalalagay niya na dapat malapit ang manunugtog sa mga manonood. Umaasa siyang makapagbibigay ang bawat palabas ng mabuting karanasan sa mga manonood. Sinabi niya na,
"Malawak ang aking hilig sa musika. Gusto ko ng musikang klasikal, romantikong musika at mga modernong musika. Umaasa akong kapag nagtugtog ako ng katha ng isang panahon o may-katha, naihahatid ko sa mga manonood ang aking palagay hinggil sa naturang may-akda. Maaaring itugtog ng bawat tao ang parehong himig, datapuwa't hindi magkatulad ang pagtugtog ng anumang dalawang tao at kawili-wili ito."
Nitong mahigit 20 taong nakalipas, kinilala si Lin bilang isa sa mga pinakamahusay na musikero sa daigdig. Nang mabanggit ang damdamin hinggil sa palabas nitong ilang taong nakalipas, sinabi niya na,
"Napakahalaga ng kasanayan ng pagtugtog, kung hindi mahusay ang kasanayan nito, hindi kailama'y maitugtog nang mabuti ang byolin. Datapuwa't bukod dito, ipinalalagay ko na mas mahalaga ang musikang mismo sa kasanayan. Dahil ang kasanayan ay nagsisilbing isang bahagi ng kabuuang musika at hindi target. Bilang isang musikero, dapat ihatid ang damdamin sa mga manonood sa pamamagitan ng musika."
Umaasa si Lin na matutulungan ang mas maraming mahusay na musikero ng Tsina para magtanghal sa daigdig at ipaarinig sa mas maraming apisyunado sa ibayong dagat ang kanilang kinatha.
|