Sa pasukan ng Hefang Street, may isang bronseng istatuwa ng Maitreya Buddha, sa itaas nito, may mahigit 100 bata sa iba't ibang postura, may tumayo, may umupo at may humiga. Ito ay gawa ni G. Zhu Bingyuan, kilalang kontemporaryong artista ng Tsina. Maraming turista ang nakatayo sa tabi ng Maitreya Buddha para magpakuha ng retrato at umaasang may dalang kasiyahan sa kanila ang Buda.
Hindi lamang katangi-tangi ang arkitektura sa Hefang Street, kay rami rin ng iba't ibang uri ng mga pagkain. Ang mga miryenda lamang ay umabot sa halos 100. Talagang mahihilo ka! Ang kasanayang-bayan ay isa pang espesyal na tanawin dito. Halimbawa, piguring asukal, pag-ukit ng seramiks at paghahabi ng dayami.
Si G. Ji Changyi ay 75 taong-gulang na ngayon, mahusay siya sa pagmamasa ng piguring asukal. Kahit nagretiro siya, inimbitahan pa ng puno ng lupon ng pamamahala sa Hefang Street si G. Jin na idispley ang kanyang kasanayan sa street. Sinabi niya na:
"Gumawa ako ng piguring asukal nang bata pa ako, ilampung taon na ang nakararaan. Maaaring masahin ko ang anyo ng kahit ano bagay sa pamamagitan ng harinang asukal. Lagi ako ang binibilhan ng mga bata at may hustong taong gulang at maging mga dayuhan ng mga minamasa kong pigurin o iba't ibang hayop."
Hinihikayat ng bakas na pang kasaysayan ng Hefang Street ang mga manlalakbay mula sa iba't ibang lugar ng daigdig. Sa kasalukuyan, pinalawak na sa 13.6 hektarya ang saklaw nito at dito nagkakatipun-tipon ang kulturang pangkasaysayan, pangkomeryo, pangsibilyan at pang-arkitekura ng Hangzhou. Bumbusita sa Hefang Street si G. Wei Cheng, isang overseas Chinese na galing sa Malaysiya, sinabi niyang:
"Una akong nakabisita rito. nang lumakad sa kalyeng ito, parang bumalik ako sa nakaraan. Bumili ako ng mga sining-kamay. Kung may pagkakataon, gusto kong bumalik muli kasama ang aking pamiliya."
|