Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Nakakatuwa itong si Roselle Lim ng West Coast Way, Singapore. Sabi niya pag umuuwi siya para magbakasyon , ipinagluluto niya ng Chinese food ang asawa niyang Chinese at nang malaman daw nito na sa CRI niya natutuhan ang recipe, ang sabi daw "Keep on listening."
Hello sa inyo diyan, Roselle.
Jacky Cheung binubuksan ang ating munting palatuntunan sa awiting "Love Is Like a Tidewater" na hango sa album na pinamagatang "Are You Falling in Love?"
Kayo ay nasa China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
May mensahe si Lara ng Shunyi, Beijing: "Kuya Ramon, binabati ko ang CRI Filipino Service sa pagkakaroon nito ng large following sa kabila ng pagkakaroon ng maraming kalaban sa himpapawid. Ang magandang attitude nito sa listeners ang nagsisilbing armas nito laban sa mga katunggali sa eyre."
Salamat sa moral support, Lara.
Iyan naman ang Bread at ang walang-kupas nitong awiting "Aubrey" na kabilang sa mga track ng "Bread's Anthology" album.
May Christmas wish ako para sa China pero sa December ko na lang ipapadala para medyo suspenseful. Para sa Pilipinas, ganun din.
Thank you.
Mula naman sa 917 351 9951: "Ang bilis ng panahon. Pasko na naman. Binabati ko na kayo ng Merry Christmas ngayon pa lang at tuloy ang bati ko hanggang December 25."
Mula sa album na may pamagat na "Unlimited," iyan naman ang F. I. R. sa awiting "Love, Love, Love."
Meron pa ritong dalawang SMS. Sabi ng 0086 1352 023 4755: "Sana magpatuloy sa paglakas ang inyong istasyon at patuloy na dumami ang mga tagapagtaguyod nito mula sa apat na sulok ng mundo," at sabi naman ng 919 651 1659: "Sana sa malao't madali, magkabuklud-buklod na tayong lahat para sa ikagaganda ng ating buhay. Wala tayong mapapala sa pagbabangayan."
Maraming-maraming salamat sa inyo.
"Speak Low" inihatid sa ating masayang pakikinig ni Billie Holiday. Isa iyan sa mga track ng album ni Billie na may pamagat na "Holiday for Lovers."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|