• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-27 20:13:09    
Michelin, naghahangad ng mas malaking pag-unlad sa Tsina

CRI
Sa mula't mula pa'y ikinararangal ni Perrin ang pagkakaroon ng kanyang kompanya ng mga kawani na tagashenyang. Ipinalalagay niyang sa industriya, ang pinakamahalagang elemento ay hindi pasilidad kundi kawani. Ang mga tagashenyang ay may isang mahalagang katangian ng hardworking. Ipinalalagay ni Perrin na ang bunga na natamo ng kompanya noong nakaraang ilang taon ay pangunahing utang sa pagsisikap ng mga kawaning Tsino.

"Isinasagawa namin ang ilang proyekto hinggil sa pagpapalaki ng produksyon at mangangailangan ng tulong ng espesyal na eskpertong dayuhan. Ngunit, ang maalwang pagsasagawa ng mga proyektong ito ay pangunahing depende sa mga kawaning Tsino at sa gayo'y walang humpay makakaunlad kami."

Bukod sa gawain, walang espesyal na hinahangad ni Perrin sa pamumuhay. Gusto siyang China dish na tulad ng Hot pot at Beijing Roast Duck. Sa panahon ng kanyang holiday, gusto niyang maglakbay sa iba't ibang lugar ng Tsina. Sa mga lunsod na binisita niya, ang pinakagusto ni Perrin ay Xi'An at Beijing dahil ipinalalagay niyang may matagal nang sibilisasyon ang dalawang lunsod na ito.

Si Perrin ay may dalawang bata na kapuwang nagtatrabaho sa Pransiya, at si Perrin at asawa niya ay tumira sa Shenyang. Kung minsan si Pierrn at asawa niya ay naglalakad sa mga kalye at kalyehon ng Shenyang para madarama ang bawat na sulok ng lunsod na ito. Pagkaraang 3 taong pagtatrabaho at pamumuhay sa Shenyang, sa pananaw ni Perrin, naganap ang malaking pagbabago sa lunsod na ito. Nang tanungin siyang pupunta ba siya o hindi sa Beijing para manood ng Olympiyada sa tag-init sa taong ito? Tumawa siya at sinabi:

"Mangyari pa, inaasahan kong pupunta sa Beijing ngunit napakahirap ang pagkuha ng tiket. Ngunit magsisikap ako para rito."