Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Cooking Show ng programang Alam Ba Ninyo?
Ang guest cook natin ngayong gabi ay masugid na tagapakinig at matagal nang kaibigan ng Serbisyo Filipio. Inanyayahan ko siya sa programang ito dahil meron siyang background sa baking at cooking. Nagbi-bake siya ng cakes and pastries at nagluluto ng Western at Asian foods. Mahigit sampung taon na raw siyang nagbi-bake at nagluluto.
Ang Chinese food na ibabahagi niya sa atin ay natutuhan niya sa isang kaibigang namamalagi sa Hong Kong. Narito ang ating panauhing kusinera, si Minda Gertos. Sige, Minda, batiin mo muna ang ating mga tagapakinig tapos sabihin mo sa kanila kung ano ang hapunan natin ngayong gabi.
So, ang ating hapunan ngayong gabi ay Snow Peas, Mushrooms and Bamboo Shoot.
Sabi ni Min, sariwa man o nasa latang bamboo shoot ay puwede sa lutuing ito. Kung ang gagamitin daw ay iyong nasa lata, ang bilhin daw ay winter bamboo shoot dahil mas malambot at mas masarap ang lasa. Kailangan din daw na pakuluan ito sa tubig sa loob ng sampung minuto bago gamitin.
Ngayon, alamin natin mula sa ating panauhin kung anu-ano ang mga kakailanganin sa pagluluto ng Snow Peas, Mushrooms and Bamboo Shoot.
Makinig kayong mabuti. Uulitin ko ang mga sangkap.
6 na pinatuyong black mushrooms 1 kutsara ng langis na panluto 1 clove garlic, dinikdik nang bahagya 1 malaking piraso ng bamboo shoot na tumitimbang ng humigit-kumulang 125 grams 280 grams ng snow peas Kalahating kutsarita ng asin Kalahating kutsarita ng asukal at Isang pirot ng vetsin
Naritong muli si Minda para sa paraan ng pagluluto.
Iyan, luto na ang ating Snow Peas, Mushrooms and Bamboo Shoot.
Thank you, Minda, for your time.
O, ihanda ninyo ang inyong mga notebook. Naritong muli ang paraan ng pagluluto:
1. Hugasan ang mushrooms at ibabad sa mainit na tubig sa loob ng tatlumpung minuto. 2. Hanguin sa tubig pero huwag itatapon ang tubig na pinagbabaran. 3. Tanggalan ng tangkay ang mushrooms at hatiin sa dalawa ang mushroom caps. 4. Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang garlic hanggang sa magkulay brown. 5. Tanggalin ang garlic tapos dagdagan ang apoy. 6. Igisa ang mushrooms sa loob ng ilang segundo tapos isunod ang hiniwa-hiwang bamboo shoot at ituloy ang paggisa sa loob ng ilang segundo. 7. Ihulog ang snow peas tapos ituloy ang paggisa sa loob pa ng isa hanggang dalawang minuto. 8. Buhusan ng apat na kutsara ng likidong pinagbabaran ng mushrooms; budburan ng asin, asukal at vetsin at ituloy pa ang pagluluto sa loob ng dalawang minuto. Huwag kalimutang halu-haluin. Patayin ang apoy pagsingaw ng likido at habang matigas pa ang mga gulay. 9. Isilbi habang mainit.
Meron pa tayong kaunting oras. Bigyang-daan natin ang e-mail ni Janice Quinto ng Shunyi, Beijing, China. Sabi ng kaniyang liham:
Kuya Ramon,
Matagal ko nang nami-miss ang pagluluto mo. Alam mo naman, sa gabi lang ako may time na mag-aral ng Chinese recipes. Mas interesting kasi kung sa show mo ako mag-aaral dahil marami na akong narinig na pangalan na diyan lang sa inyon natuto at ngayon ay hindi lang nagluluto bilang libangan o para lang sa kanilang sariling pamilya kundi nagluluto para kumita. Magandang sideline, ano?
Sana, minsan, mag-imbita ka ng Chinese chef at gawin mo ang program mo sa isang kilalang restaurant o hotel at anyayahan mo kaming mga tagapakinig para manood sa pakitang-luto ng Chinese chef. Interesting din ito sa tingin ko. Sabihan mo naman ako in advance kung may naka-schedule kang Cooking Show. Ingat lagi!
Thank you so much sa iyong e-mail, Janice.
Si Janice ay nagtuturo sa isang international school sa Shunyi, Beijing.
Sabi naman ng SMS mula sa 917 960 8218: "Kuya Ramon, narinig ko ang last two episodes ng Cooking Show mo. Sabi na sa iyo, umiinit nang umiinit ang programang ito. Kailangang higupin natin ang sabaw habang mainit. Sige lang. You have our support.
Thanks sa moral support.
At diyan nagtatapos ang ating munting palatuntunan sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|