• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-31 15:31:53    
Marso ika-24 hanggang ika-30

CRI

       

Magkahiwalay na nakipagtagpo noong Lunes sa Beijing sina Wu Bangguo, tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), at Premyer Wen Jiabao ng Tsina kay Thongsing Thammavong, dumadalaw na tagapangulo ng pambansang asemblea ng Laos. Sa pagtatagpo, sinabi ni Wu na pananatilihin ng NPC ang pagdadalawan sa mataas na antas sa pambansang asemblea ng Laos, patuloy na isasagawa ang pagpapalitang pangkaibigan sa pagitan ng mga espesyal na lupon at pahihigpitin ang pagtutulungan sa mga pandaigdig at panrehiyong organisasyon ng parliamento para mapasigla ang komprehensibo at malalim na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag ni Wen na nakahanda ang panig Tsino na panatilihin ang pagdadalawan sa mataas na antas sa Laos, palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal at palawakin ang kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, pinansiya, edukasyon, teknolohiya, paggalugad ng human resources at iba pang larangan. Ipinahayag naman ni Thongsing na umaasa ang Laos na mapapalakas ng dalawang panig ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, lalong lalo na sa kabuhayan at kalakalan. Inulit niyang tumututol ang Laos sa anumang porma ng aktibidad na naglalayong paghiwalayin ang Tsina at kinakatigan ang matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympic Games.

Nagpadala noong isang linggo ng mensahe si Thongsing Thammavong, tagapangulo ng Pambansang Asembleya ng Laos kay tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina bilang pagbati sa kanyang patuloy na panunungkulan sa posisyong ito.

Sa isang regular na preskon noong Huwebes, ipinatalastas ni tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ng pamahalaang Tsino, mula ika-2 hanggang ika-9 ng susunod na buwan, dadalaw sa Tsina si prinsesang Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand.

Nakipagtagpo noong Huwebes sa Beijing si Wang Gang, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at pangalawang tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, sa delegasyon ng mataas na kadre ng Biyetnam na pinamumunuan ni Trinh Dinh Dung, kagawad ng Lupong Sentral ng Partidong Komunista ng Biyetnam at party secretary ng Lalawigang Vinh Phuc ng Biyetnam. Umaasa si Wang na sa pamamagitan ng naturang pagdalaw, ibayo pang palalalimin ang pagpapalitan ng karanasan ng dalawang panig sa pamamahala sa partido at bansa at pahihigpitin ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga partido at estado ng Tsina at Biyetnam.

Idinaos mula noong Miyerkules hanggang Biyernes sa Bandar Seri Begawan, kabisera ng Brunei, ang ika-14 na pagsasanggunian ng mga mataas na opisyal ng Tsina at ASEAN. Dumalo sa pulong si Wu Hongbo, asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mga mataas na opisyal o kinatawan ng Ministring Panlabas ng 10 bansang ASEAN at Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN. Binalik-tanaw sa pulong ang natamong progreso ng relasyong Sino-ASEAN noong isang taon at tinalakay, pangunahin na, ang pagpapasulong ng pagpapatupad ng mga narating na komong palagay sa pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN noong isang taon at ideya at hakbangin para sa pagpapalalim ng estratehikong partnership ng dalawang panig na tungo sa kapayapaan at kasaganaan. Bukod dito, nagpalitan pa ng palagay ang mga may kinalamang panig hinggil sa magkakasamang pagpapasulong ng pagpapatupad ng susunod na aksyon ng deklarasyon sa aksyon ng iba't ibang panig sa South China Sea.

Idaraos sa Tianjin ng Tsina sa ika-18 ng Mayo ng taong ito ang ika-2 simposyum hinggil sa kooperasyon ng mass media ng Tsina, Hapon, Timog Korea at 10 bansang Asean o 10+3 na itinaguyod ng People's Daily. Ayon sa salaysay, sa panahon ng naturang simposyum na may temang "Olimpiyadang may win-win situation at pagpapalaganap ng Olimpiyada", isasagawa ng ilampung pangunahing media ng 10+3 ang malalimang pagtalakay hinggil sa mga paksang gaya ng pagsalubong sa Beijing Olympic Games, pagpapalalim ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, pagtatatag ng may-harmonyang Silangang Asya, pag-ulat ng Olimpiyada at iba pa. Nitong nakalipas na ilang taon, sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng 10+3, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng mekanismong pangkooperasyon ng 10+3 na tiniyak ang katayuan nito bilang pangunahing tsanel ng kooperasyon ng Silangang Asya.