• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-31 18:02:13    
Apoy na Olimpik, pinarating sa BJ

CRI

Naghandog ng seremonya ngayong araw sa Tian'anmen Square ang Beijing, punong-abala para sa gaganaping Olympic Games, para salubungin ang apoy na Olimpik mula sa Gresya at pasimulan ang paghahatid ng sulo ng Olimpiyada sa buong mundo. Kalahok dito ang mga lider na Tsino na kinabibilangan nina Pangulong Hu Jintao at Pangalawang Pangulong Xi Jinping, mga opisyal mula sa Pandaigdig na Lupon ng Olimpiks o IOC at Hellenic Olympic Committee o HOC ng Gresiya, mga sugong dayuhan at gayundin ang mahigit 6,000 kinatawang Tsino mula sa iba't ibang saray.

Nang ipadala sa Tian'anmen Square ang apoy na Olimpik, sinalubong ito ng matunog na palakpakan at pagbubunyi.

Sa seremya ng pagsisimula ng paghahatid ng sulo sa buong mundo, inabot ni Pangulong Hu ang sulo kay Liu Xiang, kilalang hurdler na Tsino. Pagkaraan, solemnang ipinatalastas ni Pangulong Hu na:

"Nagpapatalastas akong magsimula ang paghahatid ng sulo ng 2008 Beijing Olympic Games."

Sa susunod na 130 araw, ihahatid sa apat na sulok ng daigdig ang sulo ng Beijing Olympics. Ang biyaheng ito na may tema ng harmonya at islogang pagsisindi ng kasiglahan at paghahatid ng pangarap ay dadaan sa limang kontinente at aabot sa 137 libong kilometro ang haba nito. Mahigit 21 libong torchbearer at 5000 escort runner ang lalahok dito.

Sa kanya namang talumpati, ganito ang sinabi ni Pangalawang Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

"Ang pagtataguyod ng isang katangi-tangi at may mataas na lebel na Olympic Games ay ang komong hangarin ng sambayanang Tsino. Mainit na tinatanggap ng Pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang mga atleta at panauhin mula sa iba't ibang sulok ng daigdig para lumahok sa gaganaping Olimpiyada sa Beijing. Magpupunyagi kami, kasama ang mga kaibigang dayuhan, para mapalaganap ang diwa ng Olimpiyada, mapahigpit ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa at mapasulong ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran ng daigdig."

Nagpadala rin si Jacques Rogge, puno ng IOC, ng kanyang mensaheng pambati na nagsasabing mula ngayong araw, saanmang ihahatid ang sulo, maghahasik ito ng pananabik at pagbati ng sangkatauhan para sa gaganaping Beijing Olympics. Binasa naman ni Hein Verbruggen, Tagapangulo ng IOC Coordination Commission ang liham ni Rogge.

"Lipos ako ng pananalig na ang Beijing Olympics ay hindi lamang isang okasyon kung saan makakalikha ng kaluwalhatian ang mga lalahok na atleta, kundi maging pagkakataon para matutuhan ang isa't isa at mapahigpit ang pag-uunawaan at paggagalangan ng iba't ibang bansa ng daigdig."

Sinabi naman ni Liu Qi, alkalde ng punong-abala na:

"Bilang punong-abala ng gaganaping Olimpiyada, lubusang tutupdin namin ang tatlong idea ng luntiang Olimpiyada, Olimpiyadang Pansiyensiya't Panteknolohiya at Olimpiyada ng Sangkatauhan. Gagawin natin ang lahat ng magagawa para maigarantiya ang tagumpay ng gaganaping Olimpiks."

Napag-alamang mula bukas hanggang katapusan ng darating na Abril, ihahatid sa labas ng Tsina ang sulo at mula unang hati ng darating na Mayo hanggang ika-8 ng Agosto, ihahatid ito sa loob ng Tsina.