Ang pagsisimula ng torch relay ay isang malaking palatandaan na tuloy na tuloy na ang summer Olympics sa Beijing. Marami nang heads of state ang nagpahayag ng kanilang intensiyon na dumalo sa opening ceremony at kabilang dito si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Feel na feel na ng mundo ang pagbubukas ng Palaro na gaganapin sa environment-friendly na Bird's Nest. Marami ang nangangarap na makapasok dito.
Romulo
Sa tingin ko, ang Beijing Olympics ang magiging kauna-unahang Olympics sa history ng Olympiad na ang focus ay clean and green environment. Wala pa akong narinig na ganito sa mga nakaraang Olympic Games. Ito ay reflection ng seryosong hangarin ng China na mapaganda ang kalagayang pangkapaligiran ng mundo at naniniwala ang China na dapat samantalahin ang pagdaraos ng Olympics para itaguyod ang clean and green environment.
Paulene Mijares
Ito ang magandang pagkakataon para mapanood ang mga manlalarong Tsino at their best. Siyempre, bukod sa pagdaraos ng Olympics, paghahandaan din nang husto ng China ang pagsabak ng mga manlalaro nito sa summer Games. Naniniwala ako na maraming mabi-break na rekord ang Chinese players sa Beijing Olympics, kaya huwag na huwag ninyong kalilimutang subaybayan ang bawat event ng palaro.
Ronnel Lina
|