• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-03 19:22:39    
Abot-kamay na Biyaya, Basta't Awitin Mo, Penny Tai

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Sabi ni Mareng Gina ng Baclaran, censiya na lang daw at hindi niya ako nabati noong Easter Sunday.

Okay lang iyon, Mare. Naintindihan ko naman iyon.

Pambungad na bilang, "Abot-kamay na Biyaya" ni Penny Tai. Iyan ay buhat sa album na "Basta't Awitin Mo."

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Tunghayan natin ang snail mail ni Vivienne Alejandro ng Polytechnic University of the Philippines. Sabi ng liham: "Kuya Ramon, noong magmiting ang NPC, pinag-usapan din ng mga lawmakers ang malinis na inumin sa mga liblib na purok ng China. Sa tingin ko, napapanahon ang anumang discussion na may kinalaman sa tubig dahil, higit kailanman, ngayon ang tamang panahon para tayo ay magtipid sa tubig. Dapat mandin na magkaroon tayo ng mga effective programs sa water conservation dito sa Pinas."

Thank you, Vivienne.

Narinig ninyo ang magandang awiting "Ikaw Pa Rin" na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Jed Madela. Hango iyan sa album na pinamagatang "Hotsilog."

Tingnan naman natin itong snail mail mula sa West Coast Way Singapore. Sabi ni Techie Villareal: "Salamat sa transmission ng mga hakbanging isinasagawa ng China para mapaganda ang kalagayan sa buhay ng mga mamamayan. Iyon lang sunud-sunod na mga hakbangin para sa mga elderly ay nakakatulong na nang malaki para guminhawa ang pamumuhay ng mga may-edad na miyembro ng lipunan. Sana sigehan pa ninyo ang pagta-transmit ng mga hakbangin na ini-implement ng China. Dagdag kaalaman din ang mga ito sa amin."

Thank you so much, Techie.

Iyan naman ang magandang tinig ni Sarah Geronimo sa awiting "You Mean the World to Me" na buhat sa collective album na may pamagat na "You Are the One."

Tunghayan naman natin ang ilang SMS.

Sabi ng 919 426 0570: "Summer na naman. Kailangan tayong mag-ingat. Maraming lumilitaw na insidente kung summer. Huwag naman sana tayong dumaan sa mabigat na krisis. Bugbog-sarado na tayo."

Salamat.

Sabi naman ng 915 807 5559: "Lagi akong nakatugaygay sa inyong weekend programs. Inaabangan ko ang texts, e-mails at snail mails ng mga kaibigan. Baka may special note para sa akin."

Thank you rin sa iyo.

Iyan naman si Leah Salonga at ang awiting "Nandito Ako" na lifted sa collective album na may pamagat na "OPM: Greatest Hits Volume 1."

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating munting palatuntunan sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.