Kasabay ng paglapit ng 2008 Beijing Olympic Games, ang gawain ng paggagalugad ng pamilihan ng Olimpiyada ay pumasok sa masusing yugto. Sa kasalukuyan, natapos na ang gawain ng pagtitipon ng mga bahay-kalakal para itangkilik ang Beijing Olympic Games. Ang naturang mga bahay-kalakal ay hindi lamang nagbibigay ng ambag para sa Olimpiyada sa pondo, materyal, teknolohiya at serbisyo, kundi rin aktiong nagsasagawa sila ng pampublikong aktibidad sa gayo'y mabisang pinatataas ang reputasyon ng sariling tatak nila.
Sa kasalukuyan, 63 na bahay-kalakal ay naging tagatangkilik ng Beijing Olympic Games na kinabibilangan ng 12 pandaigdig na partner--Coca Cola, General Electric, Koda at iba pang global partner of the IOC's TOP programme. Ang mga bahay-kalakal na ito ay nagkaloob ng lubos na pagkatig para sa Beijing Olympic Games at inilatag ang matibay na pundasyon para sa maalwang pagdaraos ng Olimpiyada. Hinggil dito, sinabi ni Yuan Bin, puno ng departemento ng paggagalugad sa pamilihan ng lupong tagapag-organisa ng Beijing para sa Olimpiyada na:
"Pinag-iisa ng mga soponsorial na bahay-kalakal ang tatlong ideya ng pagpopromote ng kanilang sariling produkto at tatak, pagpopromote ng Olimpiyada, at pagpopromote ng Beijing Olympic Games, at nagbigay ng napakahalagang ambag para sa Olimpiyada."
Bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa buong daigdig, dahil sa pagdaraos ng Olimpiyada, ang Tsina ay nagiging isang di-katulad na plataporma ng pagtatanghal. Para sa mga bahay-kalakal na Tsino, Beijing Olympic Games ay mabuting pagkakataon para sa paglahok sa pamilihang pandaigdig at para naman sa mga empresang pandaigdig, ang Beijing Olympic Games ay nagkakaloob ng isang malakas na plataporma para sa paggagalugad nila sa pamilihang Tsino.
Ang 2008 Beijing Olympic Games ay umakit ng pagtangkilik ng numero unong emprasa sa daigdig. kasabay ng aktibong pagsasagawa ng iba't ibang pagbebenta sa pamamagitan ng plataporma ng Olimpiyada na sinusubaybayan ng buong daigdig, nagbigay din ang mga bahay-kalakal ng maraming ambag para sa lipunan ng Tsina.
|