• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-03 19:30:08    
Pagsilang ng pambansang estratehiya ng sonang pangkabuhayan ng Beibu Bay

CRI
Noong Enero ng taong ito, opisyal na naaprobahan ng Konseho ng Estado ng Tsina ang plano ng pagpapaunlad ng sonang pangkabuhayan ng Beibu Bay ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi at ito ay naging isang pambansang estratehiya. Ayon sa plano, itatatag ang naturang sonang pangkabuhayan ay naging kauna-unahang pangdaigdigang sonang pangkabuhayan at pangkooperasyong rehiyonal ng Tsina na pangunahin na, bukas sa ASEAN para mapasulong ang konstruksyon ng Sino-Asean Free Trade Zone. Ilalahad namin sa ninyo ang hinggil sa pagbalangkas ng planong ito.

Ang Beibu Bay ay nasa pinaghugpungan ng sentro ng Sino-Asean Free Trade Zone at kaya malaki ang kahigtan nito sa heograpiya, pero, sa nakaraang ilang taon atrasato ang pag-unlad ng rehiyong ito.

Sa katunayan, upang mapaunlad ang rehiyong ito, laging nagsisikap ang Rehiyong Autonomo ng Guangxi at mga pamahalaan ng mga baybaying lunsod. Sinabi ni Lin Xing, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Lunsod ng Fangchenggang sa Guangxi na:

"Magkasunod na naglaan ang Guangxi ng mahigit 10 bilyong yuan RMB nitong ilang taong nakaraan para sa konstruksyon ng imprastrukturang gaya ng puwerto, agusan, landas, suplay ng tubig at koryente. Pero, hindi kaya naming magplano ng mga malaki at mahalagang proyekto, magbigay ng mga preperensiyal na patakaran at iba pa."

Mula noong Oktubre ng 2006, magkakasunod na bumuo ang Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC ng grupo para magsagawa ng on-the-post imbestigation sa Guangxi at iba pang katabing lalawigan. Isinalaysay ni Zhang Zhigang, kagawad ng CPPCC na:

"3 beses pumunta kami sa Guangxi at isang beses sa dakong Timog Kanlurang Tsina para gumawa ng isang malalim, maingat at komprehensibong imbestigasyon."