Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Cooking Show ng programang Alam ba Ninyo?
Kumusta na kayo, masusugid na tagasubaybay ng Cooking Show?
Ang panauhing tagapagluto natin ngayong gabi ay masasabing isang espesyal na panauhin. Bukod sa matagal nang kaibigan ng Serbisyo Filipino, siya ay dati ring pangulo ng CRI Filipino Listeners Club. Kararating lamang niya mula sa Europa. Sosing-sossy, hindi ba? Nakarating na rin siya sa Tsina pero ang putaheng Tsinong ibabahagi niya sa atin ay hindi niya natutuhan sa Tsina kundi doon sa kanilang lugar sa Germany. Turo daw ito ng mga kaibigang Tsinong naninirahan sa kanilang komunidad.
Sige, Let Let, bumati ka muna tapos sabihin mo sa mga tagapakinig kung ano ang dala mong recipe para sa programang ito.
Iyan, Prawns in Black Bean Sauce. Talagang mamamantikaan na naman ang mga nguso natin.
Sabi ni Let Let, ang prawns o sugpo na binibili nila ay sa Pilipinas pa nagmumula.
Ngayon, alamin natin kay Let Let kung ano ang mga rekado ng Prawns in Black Bean Sauce.
Ulitin natin:
500 gramo ng may-katamtamang-laking sariwang prawns 1 kutsara ng maalat na black beans o tawsi 1 kutsara ng langis na panluto 1 kutsara ng oyster sauce 1 kutsara ng Chinese rice wine o dry sherry 1/2 kutsara ng ginger juice 1 kutsara ng asukal at 1 kutsara ng tubig
Okay, punta na tayo sa paraan ng pagluluto. Naritong muli si Let Let.
Iyan ang Prawns in Black Bean Sauce sa kagandahang-loob ni Let Let Alunan.
Thanks for your time, Let Let.
Naritong muli ang paraan ng pagluluto. Makinig kayong mabuti:
1. Alisan ng balat ang prawns tapos hugasan at patuluin.
2. Kung ang gamit ninyong salted black beans ay iyong nasa lata, hugasan sa tumutulong tubig mula sa gripo tapos durugin at masahin nang kaunti sa pamamagitan ng tinidor.
3. Kung ang gamit niyo naman ay pinatuyong salted black beans, ibabad sa tubig sa loob ng limang minuto at patuluin muna bago masahin.
4. Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang prawns sa loob ng isa hanggang dalawang minuto hanggang sa magkulay pink.
5. Ihulog ang black beans tapos ilagay ang oyster sauce, wine, ginger juice at asukal tapos pakuluan sa loob ng isang minuto. Haluin maya't maya habang pinakukuluan.
6. Ilagay ang tubig at ituloy pa ang luto sa loob ng isa o dalawang minuto hanggang sa maluto ang prawns.
Gamitin natin ang nalalabi pa nating oras. Bigyang-daan natin ang liham ni Delia Acosta ng West Coast Way, Singapore. Sabi niya sa kaniyang liham:
Dear Kuya Ramon,
Malapit na ang Chinese New Year. Marami ka bang handa? Sana nariyan kami ng barkada para magkasalu-salo tayo sa Chinese New Year.
Karamihan sa mga niluluto ninyo ay available dito sa Singapore. Medyo may pagkakaiba nga lang ang mga pangalan pero parehong-pareho ang mga sahog. Natutuwa nga kami ng mga barkada pag naririnig naming niluluto ninyo on the air. Sana ipagpatuloy pa ninyo ito. Part din naman ito ng Chinese culture, eh.
Kinatutuwaan din ng buong barkada na pakinggan ang iba pa ninyong programa na tulad ng Kulturang Tsino at Paglalakbay sa Tsina. Basta Chinese culture okay sa amin dahil ang Singapore ay may Chinese background. Iba lang ang orientation.
Sana, sa Year of the Rat, hindi magbago ang takbo ng inyong programming. Dapat habaan pa nga ninyo ang oras, eh. Honestly, enjoy na enjoy kami ng pakikinig.
Ipinaaabot din ng barkada ang kanilang New Year greeting sa inyo.
Take care and God Bless.
Salamat, Delia, ha? Sana ipagpatuloy pa ninyo ng tropa mo ang pagsubaybay sa aming Cooking Show. Thank you uli at God love you all.
Tingnan naman natin ang e-mail ni Janice Quinto ng Shunyi, Beijing. Sabi ni Janice: "Kuya Ramon, nakadalawang Cooking Show na ako nitong mga nagdaang months. Dalawang Chinese recipes na naman ang nadagdag sa listahan ng mga natutuhan kong Chinese foods. Papraktisin ko ito nang papraktisin hanggang sa susunod na Cooking Show. Sana dumalas pa ito."
Salamat, Janice. Huwag kang mag-alala. Sisikapin naming mag-Cooking Show nang madalas.
At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|