Nakapukaw sa malaking interes ng marami, lalo na ng mga eksperto, ang isinasagawang paghuhukay sa isang sinaunang libingan sa kanlurang bahagi ng Beijing. Ang libingan na pinaniniwalaang sa Western Han Dynasty ng taong 206-25 B.C., ay may alok na malaking prospek para sa mga archaeologist. Marami ang naniniwalang ito ay nagllaman ng ilang mahahalagang rehikya na tulad ng jade coat na tinahi sa ginintuang sinulid, kabayuhang chariots, mga telang sutla at gamit na gawa sa lacquer.
Ang paghuhukay na ito ay hindi talagnag pinlano ng mga archaeologist kundi itinulak ng naganap na nakawan sa puntod. Ang kasong ito ng pagnanakaw ay iniimbestigahan ng Public Security Department ng Beijing. Sa huling dako ng nagdaang taon, inireport sa pulis ng mga lokal na residente na maraming kalalakihan ang nagtatambak ng basura sa nalinis nang dahilig ng bundok. Noong sadyain ng mga pulis ang 20-metrong-habang tunnel na hinukay ng mga magnanakaw, kinunan nila ang loob nito at tianggal ang alikabok na likha ng uling. kinumpirma ng mga archaeologist na ang uling ay nagsisilbing proteksiyon sa ibabaw ng sinaunang libingan.
Sa kabutihang palad, maliban sa tunnel, wala nang natagpuang iba pang platandaan ng paghuhukay. Sa pahintulot ng State Cultural Relics Brueau, isang madaliang paghuhukay ang inilunsad.
Ang libingan ay matatagpuan sa Laoshan Hill, mga 15 km. sa kanluran ng Tian'anmen Square. ipinakikita ng inisyal na imbestigasyon na dati ang sinaunang libingan ya para isang burol na ang hugis ay makabaligtad na tasa at may sukat na 55*60*12 meters. sa ibabaw ng coffin chamber o nitro ay maraming susuon ng siksik na ;upa kung saan maraming piraso ng pottery na mula sa Han Dynasty (206-200 B.C.). Ang ibayo pang paghuhukay ay naglantad sa eksaktong lokayon ng coffin chamber at outline nito.
Base sa inisyal na pagsusuri at sa pagsangguni sa historikal na dokumento at rekord ng mga katangian ng mga libingan ng Han Dynasty, ang pangunahing konklusyon ng mga archaeologist ay ito ay isang libignan na ang nitro ay yari sa kahoy at ang nakalibing ay siang lokal na hari na umupo sa trono mga 2000 taon na ang nakararaan.
Ayon kay Wang Wuyu, Deputy Diretor ng BJ Cultural Relics Institute, ang paghuhukay na tio ay isang mahalagang pangyayari sa kasaysayang arkeolohikal ng BJ, kasunod ng Ming Tombs ng taong 1368-1644 na nahukay sa Changping County noong 1956 at ng Dabaotai Western Han Tombs sa Fengtai District noong 1974. hinuhulaan ni Ginoong Wang na ang hukay ay magkakalitika, ekonomiya, kultura at pagbabagong munisipal sa purok ng BJ at gayundin para sa pananaliksik sa sistema ng royal mausoleums sa Han Dynasty.
Sa nagdaang mga taon, ang Tsina ay nakagawa ng kapansing-pansing progreso sa larangan ng archaeology. Magkakasunod na naisapubliko ang mga mahahalagang tuklas at ang mga pangunahing pag-aaral na arkeolohikal ay nagtamo ng mga positibong resulta. Ang mga pag-aaral ay may malawak na saklaw, mula sa eksplorasyong Tsino, chronological dating ng sinaunang dynasties hanggang sa pananaliksik sa sinaunang labi ng lunsod, handicraft at maagang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at ibang bansa.
|