• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-07 19:28:14    
Marso ika-31 hanggang Abril ika-6

CRI

Nakipagtagpo noong Huwebes sa Jakarta si pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesya kay dumalaw na ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina at nagpalitan sila ng palagay hinggil sa relasyon ng dalawang bansa at mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Ipinahayag ni Susilo na mainam ang pag-unlad ng relasyon ng Indonesya at Tsina, walang sagabal ang pagsulong ng kanilang kooperasyon at magkapareho o magkahawig ang palagay ng dalawang panig sa mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig. Umaasa anya ang Indonesya na ibayo pang mapapalalim ang estratehikong partnership nila ng Tsina, mapapasulong ang relasyon ng Tsina at ASEAN at mapapahigpit ang kanilang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig. Ipinahayag naman ni Yang na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng panig Indones, para mapanatili ang kanilang pagpapalagayan sa mataas na antas, mapalalim ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, mapalawak ang pagpapalitan sa aspekto ng seguridad, kultura, siyensiya at teknolohiya, mapasulong ang estratehikong partnership ng dalawang bansa at mapataas ang estratehikong kooperasyon ng Tsina at ASEAN. Nauna rito, nag-usap sina Yang at ministrong panlabas Hassan Wirajuda ng Indonesia. Ipinahayag ni Yang na itinakda ng pagtatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Indonesia ang balangkas para sa komprehensibo at malalim na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa bagong siglo. Sinabi niya na angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa ang pagpapalalim ng kanilang relasyon at nakakabuti ito sa kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon. Umaasa ang Tsina na mahigpit na makikipagtulungan sa Indonesia para patuloy na idagdag at palakasin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa. Ipinahayag naman ni Hassan na napakahalaga ng relasyon ng Indonesia at Tsina at patuloy na magsisikap ang Indonesia para mapaunlad ang estratehikong partnership sa Tsina. Binigyang-diin niya na nananagan ang Indonesia ng patakarang isang Tsina at kumakatig sa usapin ng unipikasyon ng Tsina.

Sa kanyang pagdalo noong Huwebes sa Porum ng Malaysia at Tsina sa Negosyo sa taong ito, ipinahayag ni punong ministro Abdullah Ahmad Badawi ng Malaysia ang pag-asang mahihikayat ang mas maraming pamumuhunan mula sa Tsina para mapahigpit ang relasyong pangkalakalan ng Malaysia at Tsina at makinabang dito ang kapwa panig.

Nang kapanayamin noong isang linggo sa Nanning ng mamamahayag, ipinahayag ni Zhang Xiaoqin, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng China-ASEAN Expo na inisyal na nabuo na ang mekanismong pangkooperasyon ng China-ASEAN Expo at mga partner enterprises. Ayon kay Zhang, noong panahong preparatoryo ng China-ASEAN Expo, aktibong itinatag ng sekretaryat ang relasyong pangkooperasyon sa mga bahay-kalakal. Nitong ilang taong nakalipas, magkasamang nagsisikap ang mga bahay-kalakal at sekretaryat, at inisyal na nabuo ang naturang mekanismo. Sinabi ni Zhang na kasunod ng pag-unlad ng China-ASEAN Expo at pagpapasulong ng konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, sa pamamagitan ng ekspong ito, magtatamo ang iba't ibang partner enterprises ng mas maraming pagkakataong komersyal.

Napag-alaman noong isang linggo ng mamamahayag mula sa General Administration of Civil Aviation of China na mula sa kasalukuyang buwan, bubuksan ng Tsina at 4 na bansang Asean na kinabibilangan ng Kombodya, Malaysia, Brunei at Singgapore ang industrya ng serbisyo ng abiyasyon sa isa't isa, samantalang ibayo pang bubuksan ng Tsina, Myanmar at Biyetnam ang industryang ito sa isa't isa. Nangangahulugan itong mabilis at sustenableng uunlad ang pamilihan ng abiyasyong sibil ng Tsina at Asean.

Pormal na naisaoperasyon na noong Lunes ng Southern Airlines ng Tsina ang international line sa pagitan ng Guangzhou ng Tsina at Rangoon ng Myanmar. Sa unang yugto, may 2 hanggang 3 flight bawat linggo, at unti-unting daragdagan ito sa 3 fixed flight bawat linggo. Ipinahayag ng opisyal ng abiyasyon ng Myanmar na ang pagsasaoperasyon ng bagong linyang ito ay makakabuti sa ibayo pang pagpapasulong sa turismo, kalakalan at pagkakaibigan sa pagitan ng Myanmar at Tsina.

Ipinahayag noong Miyerkules sa Singapore ni Goh Chok Tong, Senior Minister ng Singapore, na welkom ang mga bansang Asya sa mapayapang pag-unlad ng Tsina at magkakasamang humahanap ng paraan para samantalahin ang paglaki ng kabuhayan ng Tsina. Sinabi niya na binigyang-diin ng Tsina ang mapayapang pag-unlad at nagpapahayag na hindi magsasapanganib sa iba pang bansa. Dahil sa talastasan ng malayang kalakalan ng Tsina at ASEAN, ang paglaki ng kabuhayan ng Tsina ay magdudulot ng mas maraming pagkakataon ng pag-unlad sa mga bansang ASEAN. Ipinahayag niya na gumaganap ang Tsina ng mahalagang papel sa pagpapabilis ng rehiyon ng Asya ng hakbang ng integrasyon. Sinabi pa niya na kasunod ng paglaki ng kabuhayan ng Tsina, gaganap ang konsumo at pamumuhunan ng Tsina ng papel sa pagpapasulong ng kabuhayan ng iba pang rehiyon ng Asiya at daigdig.