• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-07 19:35:46    
Amerikanong guro na si Joseph

CRI
Sa isang di-inaasahang pagkakataon, ang 55 taong gulang Amerikano na si Joseph Barbarise ay pumunta sa Tsina at naging isang guro sa wikang Ingles ng isang pamantasaan sa Zhengzhou ng lalawigang Henan sa dakong gitna ng Tsina.

Si Joseph, minsa'y isang propesyonal na potograpo at mahilig siya sa paglalakbay. Sa mga bansa at rehiyong binisita niya, ang mga bansang Asyano ay kanyang particular na paborito. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, pumasok siya sa isang magkakapitbahay ng Tsina sa internet at ito ay umudyuk sa kanyang pagpunta sa Tsina.

"Sa pamamgitan ng isang taong pagpapalitan sa internet, nakadama akong napakabait at napakasigla ng mga mamamayang Tsino. Nanabik ako sa pagpunta sa Tsina para maranasan ang mabilis na pag-unlad nito. Kaya, ipinasiya kong pumunta sa Tsina."

Noong tag-init ng taong 2006, pumunta siyang mag-isa sa Tsina at may hanap na siyang hanap-buhay bilang isang guro sa wikang Ingles sa isang unibersidad at mula noo'y namumuhay na siya sa Tsina hanggang sa kasalukuyan. Kasunod ng paglipas ng mga araw, dumarami nang dumarami ang kaniyang pag-ibig sa Tsina. Sa kaniyang tingin, ang napakabilis na pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina ay lumilikha ng malawak na espasyong pangkaunlaran sa mga dayuhan, at dahili mabati ang mga mamamayang Tsino, nakakadarama siyang namumuhay sa sariling bansa. Kaya noong Christmas Day ng taong 2006, ipinasiya niyang gumawa ng isang makabuluhang bagay para pasalamatan ang pagtulong ng mga Tsinong kaibigan sa kaniya.

"Pagkadating ko sa Tsina, inaasikasong mabuti ako ng mga kasamahan ko. Kaya ipinasiya kong tulungan ang isang Tsinong pamilyang nangangailangan ng tuong para papagsayahin sila. Alam ko na imposble kong tulungan ang lahat ng mga tao, datapuwa't matulungan ang ilang tao sa abot-makakaya ko."

Sa pagtulong ng kaniyang kasamahan, nakilala ni Joseph ang pamilya ni Feng sa bulubunduking purok ng lunsod Xinmi ng Henan. May dalawang naulilang anak sa pamilyang itong sina Feng Xiaoyan at Feng Xiaolei. Namumuhay sila depende sa kaniyang lolo. Sinabi ni Joseph na

"Nang kauna-unahang pagkakataong makita ko si Xiaolei, walang kakaunting ngiti sa kaniyang mukha. Malaking sinaktan siya ng pagbabago ng pamilya. Nais kong pumasok sa kaniyang loob para muling magpaligaya sa kaniya."