Kuya Ramon, inuulit ko na 100 percentang suporta ko at namin dito sa Beijing Olympics. Nagsimula na ang torch relay.Ang kauna-unahang torchbearer ay mula sa Grece. Ipapasa ito sa China at mula sa China, ipapasa sa mga bansang kinabibilangan ng Kazakhstan, England, France, U.S.A. at iba pa na hindi ko nakuha. Less than 130 days na lang. Parang nasa kabilang ibayo na lang ang Olympics.
Let Let Alunan ng Germany
Panahon na para bigyan ng gobyerno ng Pilipinas ng importansiya ang isports. Nangungulelat tayong lagi kasi kulang sa financial support ang ating mga manlalaro. Ang itinuturing nating mga bayani ay iyong mga naglalaro for bread at hindi iyong national players. Bakit ba ganun tayong mga Pilipino? Sa boksing na lang, marami tayong mahuhusay na boksingero pero hindi nabibigyan ng suporta. Tulungan naman natin sila.
Jane ng Riyadh, Saudi Arabia
Kung hindi man ako personal na makapanood ng Olympics sa Beijing, sana naman masundan ko ang mga development sa pamamagitan ng inyong website at broadcasts. Magkaroon sana kayo ng blow-by-blow coverage. Enthusiastic ako sa development ng sport events na ito.
M. J. Foster ng Denmark
|