• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-08 20:37:09    
Ang kuwento ni Amerikano Joseph sa Tsina

CRI
Noong Christmas Day ng taong 2006, ipinadala ni Joseph sa magkapatid ang isang kahon ng mga bagong damit, pang-araw-araw na gamit, pagkain at pera. At mula noon, pinupuntahan sila ni Joseph tuwing buwan, inuusisa ang kalagayan ng pamumuhay nila at binigyan sila ng mga gamit na pang-aral at laruan. Sa ilalim ng pagtulong at pagmamalasakit ni Joseph, muling bumalik ang ngiti sa kanilang mukha, at naging masigla't may kompiyansa muli sila. Sa nakaraang mahigit na isang taon, nag-abuloy si Joseph ng mga bagay at pera na nagkakahalaga ng mahigit sampung libong yuan RMB sa pamilya ni Feng at ng maraming mga aklat at instrumentong panturo sa paaralan doon. Sa kasalukuyan, magkakaibigan na sina Joseph at ang lahat ng mga mamamayang lokal.

Noong 2007, binigyan si Joseph ng pamahalaan ng lalawigang Henan ng Yellow River Friendship Prize. Ang gantimpalang ito ay nagsisilbing pinakamataas na karangalan ng pamahalaan ng Henan para sa mga kaibigang pandaigdig, dayuhang dalubhasa, overseas at ethnic Chinese at kilalang tauhan ng Hong Kong at Macao na nagbigay ng mahalagang ambag para sa pag-unlad na pangkabuhayan at panlipunan ng Henan.

Sa kasalukuyan, ang paglalakbay ay nagi isang di-mawawalang bagay sa pamumuhay ni Joseph. Noong isa't kalahating taon, nakabisita siya sa apat na sulok ng Tsina. Sinabi niya na sa mga bansang binisita niya, ang Tsina ay pinakapaboritong bansa niya. Ikinasisiya niya ang kaniyang pagpili ng Tsina at nais niyang mamuhay dito nang habang buhay.

"Para sa akin, ang pamumuhay sa Tsina ay mukhang namumuhay sa sariling bansa. Iniibig ko ang E.U., ngunit mas iniibig ko ang Tsina."