• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-08 20:40:51    
Lugar na pinagsisilingan ng maraming pelikula at TV series ng Tsina

CRI
Nitong ilang taong nakalipas, ang mga pelikulang idinirekta ni Zhang Yimou, bantog na direktor ng Tsina, na gaya ng Hero noong 2002, Curse of the Golden Flower noong 2006 at iba pa ay kilala at pamilyar sa mga apisyunado sa buong daigdig. Nag-iwan sa mga manonood ng malalim na impresyon ang mga pagkalaki-laking tagpo ng nabanggit na pelikula at sa katunayan, ang karamihan nito ay kunan sa Hengdian World Studio.

Ang nabanggit na istudyo ay nasa bayang Hengdian ng lalawigang Zhejiang sa dakong Silangan ng Tsina. Ang bawat turistang pumasok sa istudyong ito ay nakararamdam na sabayang pumasok sa mga nagkakaibang daigdig: may nagtataasang kahanga-hangang palasyong royal man dito, at may espesyal na tanawin ng mga halamanan sa dakong timog ng Tsina, may maliit na bayan sa ika-12 o ika-13 siglo man at may masagana at siksikang kalye ng Hong Kong.

Ayon sa salaysay, mula noong 1996, namuhunan ang Hengdian World Studio ng 2.6 bilyong yuan RMB para itatag ang 13 lugar ng tagpo na nakakasaklaw halos sa mga tipikal na tagpo sa nagkakaibang panahong pangkasaysayan ng Tsina.

Hanggang sa kasalukuyan, ang istudyong ito ay naging base kung saan ginawa ang pinakamaraming tagpo at may pinakakompletong pasilidad para sa paggawa ng pelikula sa Tsina. Sinabi ni Liu Rongdong, pangalawang punong manager ng nabanggit na istudyo,

"Malaki ang saklaw ng mga base ng pelikula at TV ng Hengdian, maaaring gamitin ito sa paghahanda ng mga tagpo sa nagkakaibang panahon. Mahusay ang sistema ng serbisyo nito."

Dahil sa naturang maginhawang serbisyo ng Hengdian World Studio, nagigi itong unang pagpili ng mga grupong pansining sa pagkuha ng mga tagpo sa kanilang pelikula. Hanggang sa kasalukuyan, kunan na rito ang mahigit 400 pelikula at TV show.

Ang pagiging nuwero unong base ng pelikula at TV sa Asya ay hindi layunin ng Hengdian World Studio. Ang hinahanggad nila ay puspusang paunlarin ang industriyang kultural. Sinabi ni Liu na ang palasyong ito ay nagiging isang nabigha-bighani at malaking theme park ng turismo ng pelikula at teleplay.