• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-09 17:20:07    
Sopas ng mga gulay

CRI

Mga sangkap

50 gramo ng patatas
50 gramo ng pipino
50 gramo ng repolyo
50 gramo ng karot
50 gramo ng kabute
50 gramo ng kamatis
30 gramo ng ibinabad na wood fungus
50 gramo ng ketsap
5 gramo ng asin
2 gramo ng vetsin
3 gramo ng asukal
50 gramo ng langis na panluto

Paraan ng pagluluto

Talupan ang patatas at alisan ng laman ang pipino. Hiwa-hiwain ang mga patatas, pipino, repolyo, karot, kabute at kamatis. Mag-init ng langis sa kawa. Lagyan ng ketsap at igisa hanggang sa pumula ang langis. Ihulog ang mga nabanggit na gulay at magbuhos ng 750 gramo ng tubig at pakuluin sa malakas na apoy. Bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 5 hanggang 6 na minuto hanggang lumambot ang patatas. Lagyan ng asin, vetsin at asukal. Isalin sa soup bowl at isilbi.

Katangian: maganda sa mata ang pagkakapula.

Lasa: maasim-asim at maalat-alat.