• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-09 18:49:10    
Puno ng Tibet: lipos ng kompiyansa sa matagumpay na paghahatid ng sulo ng Olimpiyada

CRI

Sa isang preskon ngayong araw na nilahukan ng mga mamamayag na Tsino at dayuhan, sinabi nina Qiangba Puncog, puno ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet at Sita, opisyal na Tibetano mula sa kinauukulang kagawaran ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, naghaharing partido ng Tsina, na lipos ng kompisyansa at ganap ang paghahanda ng Tibet para maigarantiya ang maayos at matagumpay na paghahatid ng sulo ng gaganaping Olimpiyada sa loob ng kanilang rehiyong awtonomo.

Tulad ng alam ninyo, noong kalagitnaan ng nagdaang Marso, naganap sa Lhasa, punong lunsod ng Tibet, ang karahasan ng pambubugbog sa sibilyan, pagdudurog, pandarambong at panununog ng mga ari-arian na ikinamatay ng 18 walang-malay na sibilyan at ikinasugat ng 382 iba pa. Batay sa natamong katibayan ng panig pulisya ng Tsina, nasa likod ng nasabing kasarahan ang Dalai Lama clique. Bukod dito, nagtangka ring sumabotahe sa seremonya ng paghahatid ng sulo ng Olimpiyada sa London at Paris ang mga elementong naninindigan sa umano'y pagsasarili ng Tibet. Ayon sa plano, ipaparating sa Everest ang sulo ng Olimpiyada sa katapusan ng darating na Mayo at sisimulan itong ihatid sa loob ng Tibet sa darating na Hunyo.

Kaugnay nito, ganito ang sinabi ni Qiangba Puncog, puno ng Tibet.

"Ang pagtataguyod ng Olimpiyada ay matagal na pananabik ng Nasyong Tsino. Ang paghahatid ng sulo ng Olimpiyada sa loob ng Tibet ay karangalan at tungkulin ng lahat ng mga Tibetano. Salamat sa pagkatig ng mga residenteng lokal, ganap ang aming paghahanda at lipos kami ng kompiyansang makapagtatagumpay ang paghahatid ng sulo ng Olimpiyada sa loob ng Tibet."

Sinabi pa niya na hinding hindi tutudpin ang pagtatangka nina Dalai na paghiwalayin ang Tsina sa pamamagitan ng pananabotahe sa gaganaping Beijing Olympics.

Sa kanyan namang pagsagot sa mga tanong na may kinalaman sa pag-uugnayan ng Pamahalaang Tsino at Dalai clique, ganito ang sinabi ni Sita, Pangalawang Puno ng Kagawaran ng Nagkakaisang Prente ng Komite Sentral ng CPC.

"Bukas pa rin ang pinto ng pag-uusap namin nina Dalai. Pero, ang paunang kondisyon dito ay dapat itigil nina Dalai ang lahat nilang ginagawang pananabotahe sa gaganaping Beijing Olympics. Matatag at hinding-hindi magbabago ang aming determinasyon na igarantiya ang tagumpay ng gaganaping Olimpiyada, ipagtanggol ang karapatan at interes ng mga Tibetano at pangalagaan ang pambansang katatagan."

Pagkaraang maganap ng karahasan sa Lhasa, salamat sa pagsisikap ng pamahalaang sentral at lokal, napanumbalik na ngayon ang kaayusan ng Tibet. Kaugnay nito, ganito ang inilahad ni Qiangba Puncog.

"Nanumbalik na ang kaayusang panlipunan ng Tibet. Muling pumapasok na sa paaralaan ang mga estudyante at nagpapanumbalik na ng operasyon ang karamihan sa mga tindahan. Bukas na sa mga turista ang mga scenic spot na tulad ng Potala Palace. Sapat ang suplay sa pamilihan at matatag ang presyo ng mga paninda."

Ayon sa datos, 7-taong singkad na lampas sa 12% ang bahagdan ng paglaki ng GDP ng Tibet. Umabot sa 9616 kilometro ang haba ng network ng daan sa Tibet at halos sumasaklaw ito sa buong rehiyon. Kumpara sa taong 1964 na kung kailan umabot sa 1.2 milyon ang populasyon ng Tibetano, sa kasalukuyan naman, lampas sa 2.5 milyon ang bilang ng mga Tibetano na bumubuo ng 95% ng kabuuang populasyon ng Tibet.