Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Buksan natin ang ating munting palatuntunan sa malamig na tinig ni Jolin Tsai.
Iyan ang boses. Jolin Tsai at ang awiting "The Wonder in Madrid" na hango sa album na may pamagat na "Dancing Diva."
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
SMS. Sabi ng 0049 242 188 210: "Sana magkaroon tayo ng programa ng pagpaplano ng pamilya na kasing epektibo ng sa China para mapigilan ang paglobo ng ating populasyon."
Thank you. Bakit nga ba hindi?
Sabi naman ng 917 351 9951: "Para ko nang nakikinikinita ang magarang opening ceremony ng 2008 Beijing Olympics. Mabilis ang paglipas ng panahon at hindi magtatagal at masisilayan na natin ang palarong inaasam na makita ng lahat."
Salamat. Tama. Malapit na iyon. Lumilipad ang mga araw.
Mula sa OPM: Greatest Hits Vol. 1" album, iyan ang awiting "When I Met You" ng Apo Hiking Society.
SMS uli. Mula naman sa 0086 135 2023 4755: "Kuya Ramon, all-out ang suporta naming sa Bejing Olympics sa August at sa Beijing Paralympics sa September. Walang anumang kadahilanan ang makakapigil sa amin sa pagsuporta sa dream Games na ito."
Salamat sa iyo.
Iyan naman ang sound sa sariling version nito ng awiting di na natuto na ang orihinal ay sa Apo Hiking Society. Ang version na iyan ay lifted sa collective album na "The Best of Apo Hiking Tribute."
Tunghayan naman natin itong isang e-mail. Ang nagpadala ay si Liezel Abad ng Carlos Palanca, Quiapo, Manila. Sabi ng sulat: "Kuya Ramon, gusto kong i-share sa mga tagapakinig ang mga sumusunod: 3 bagay na dapat kontrolin: dila, galit, tukso. 3 bagay na dapat taglayin: katapatan, kasipagan, kalusugan. 3 bagay na dapat alagaan: kagandahan, mabuting asal, matatag na kalooban. 3 bagay na dapat iwasan: poot, kayabangan, pagkasugapa."
Thank you, Liezel. Napakaganda ng iyong mensahe.
Iyan naman ang magandang awiting "Hard Core Poetry" na isa sa mga track ng "Goldies but Goldies " album.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edisyon sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|