• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-10 15:02:12    
Beijing Olympics at mga tagatangkilik nito

CRI
Bilang global partner of the IOC's TOP programme at global partner ng torch relay ng 2008 Beijing Olympic Games, idinaos ng Samsung Company ng Timog Korea ang aktibidad ng pagpili ng torchbearer. Sinabi ni Park Yoon Heyi, CEO ng Samsung sa Tsina na:

"Pinili nami ang 265 na karaniwang mamamayan sa paraan ng pagboto sa internet. Datapuwa't hindi kilala sila sa buong lipunan, nagbigay sila ng malaking ambag para sa pag-unlad ng lipunan at kultura ng Tsina. At ipinalalgay ng Samsung na walang duda na lalahok sila sa torch relay sa ngalan ng mga mamamayang Tsino."

Ang Lenovo Group ay kauna-unahang empresang Tsino na naging global partner of the IOC's TOP programme sa kasaysayan. Kasabay ng pagsasagawa ng pagbebenta, aktibong lumalahok ang Lenovo sa iba't ibang pampublikong usapin. Para sa mas maraming mamamayang Tsino na maaaring lumahok sa Olimpiyada, isinagawa ng Lenovo ang aktibidad ng "paglalakbay sa 1000 nayan ng Lenovo at Olimpiyada". Hinggil dito, sinabi ni Chen Shaopeng, pangalawang CEO ng Lenovo na ang layunin ng aktibidad na ito ay pagbibigay ng kasiyahan ng Olimpiyada sa mas maraming tao.

"Umaasa kaming magkaroon ang mas maraming tao ng pagkakataong lumahok sa Olimpiyada dahil ang Olimpiyada ay isang kapistahang pampalakasan sa Nayong Tsino."

Ang pagdaraos ng "green olympic" ay hindi lamang pangako ng 2008 Beijing Olympic Games kundi rin direksyon ng pagsisikap ng mga sponsor. Hinggil dito, sinabi ni Pang Deming, opisyal ng General Electric na lalo pang gagalugarin ng General Electric ang estaratehiya ng Green Inobasyon, buong lakas na pasusulungin ang mas malawak na paggamit ng hay-tek sa pangangalaga sa kapaligiran na makakatulong sa sustenableng pag-unlad ng Tsina at Green Olympic ng Beijing.

Tulad ng naturang mga bahay-kalakal, Koda, Coca Cola at iba pang tagatangkilik ng Olimpiyada ay magkakahiawalay na nagsagawa ng isang serye ng pampublikong aktibidad. Hinggil dito, sinabi ni Jacques Rogge, pangulo ng IOC na ang paglalahok ng mga tagatangkilik ng Beijing Olympic Games sa iba't ibang pampublikong aktibidad, ay hindi lamng nagbigay ng positibong ambag para sa pagpopromote ng diwa ng Olimpiyada, kundi rin nagtamo ng pagkakaton ng pagtatanghal ng sarili sa platapormang pandaigdig.