Pagkaraan ng mahigit na isang taong imbestigasyon, isinumite ng grupo ang isang ulat hinggil dito sa CPPCC. Kaugnay ng ulat na ito, idinaos ng CPPCC ang pagsasanggunian na may espesyal na tema hinggil sa pag-unlad ng sonang pangkabuahayan ng Beibu Bay na nilahukan ng tagapagngulo ng CPPCC, pangalawang premiyer, mga namamahalang tauhan ng kinauukulang ministri at departemento ng Konseho ng Estado, maraming kagawad ng CPPCC at dalubuhasang pangkabuahayan.
Sa pulong, nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa ulat ng imbestigasyon at sa bandang huli, nagkaisa sila ng palagay at naghain ng kanilang ulat sa konseho ng estado. Pagkaraan ng kalahating taon, inaprobahan ng pamahalaan ng Tsina ang pagsasagawa ng Plano sa pag-unlad ng zonang pangkabuhayan ng Beibu Bay ng Guangxi, bagay na sumasagisag na ang pagbubukas at paggagalugad ng zonang pangkabuhayan sa Beibu Bay ng Guangxi ay opisyal na inilagay sa estratehiya ng bansa.
Ayon sa plano, isasagawa ng bansa ang mga hakbangin para kumatig ng zonang pangkabuhayan ng Beibu Bay na palawakin ang pagbubukas at kooperasyon, palakasin ang konstruksyon ng imprastruktura at pabutihin ang estruktura ng industriya para itatag ang naturang zonang pangkabuhayan na maging isang base ng paghahatid ng kalakal o lohistiks, base ng kalakalan at komersyo, base ng pagpoproseso at pagyari at sentro ng pagpapalitan ng impormasyon para paglinkuran ang kooperasyon ng Tsina at Asean.
Ipinahayag ni Zeng Peiyan, dating pangalwang premiyer ng Tsina na ang pagtatatag ng zonang pangkabuhayan sa Beibu Bay ay isang mahalagang hakbangin ng pamahalaang Tsino para sa pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa rehiyong kanluran at pagpapalalim ng pakikipagkooperasyon ng Tsina sa Asean.
"Ang pagpapasulong ng paggagalugad at pagbubukas ng zonang pangkabuhayan ng Beibu Bay ay makakabuti sa pagpapalalim ng kooperasyon ng Tsina at Asean at pagpapabilis sa pagtatatag ng malayang zonang pangkalakalan ng Tsina at Asean para sa pagsasakatuparan ng magkasamang kasaganaan."
|