Ang ika-29 na Olympic Games ay idaraos sa Beijing mula ika-8 hanggang ika-24 ng Agusto sa taong ito at sa kasalukuyan, buong sikap na naghahanda ang mga manlalaro ng iba't ibang bansa at rehiyon para sa olimpiyada. Kasabay nito, ang hinggil sa ginagawang paghahanda ng Beijing Olympic Games ay nakakatawag ng pansin ng mga tao. Espesiyal na kinapanayam kamakailan ng mamamhayag ng China Radio International o CRI si Charouck Arirachakaran, Pangkalahatang Kalihim ng Komite ng Olimpiyada ng Thailand.
Nanungkulan ang 74 na taong gulang na si Charouck ng tungkulinng ito nang 25 taon. Nang kapanayamin siya ng mamamahayag ng CRI, inihayag niya ang kaniyang pagkatig sa Beijing Olympic Games at naniniwala anyang ang Olimpiyadang ito ay magtatamo ng karangalan para sa buong Asya. Sinabi niya na
"Ako'y hindi lamang isang Thai, kundi ay isang Asyano at ikinalulugod ko ang pagiging punong-abala ng Olimpiyada ng Beijing. Palagiang kinatigan ng bawat Asyano ang bidding ng Beijing sa pagtatangkilik ng Olimpiyada at umaasa tayong lahat na ang bansang Asyano ay magiging punong-abala ng Olimpiyada. Ang dahilan ay: unang una, ang ating bansa ay pawang nasa iisang rehiyon at magkakatulad ang ating wika, kultura at kaugalian; ikalawa, mahabang panahon ang relasyong pangkaibigan ng mga Komite ng Olimpiyada ng dalawang bansa at ikatlo, naniniwala ako na sa kasalukuyan, malaki ang nakatagong lakas ng Tsina para matamo ang pinakamataas na karangalan para sa buong Asya."
Sapul nang magkamit ang Beijing ng karapatan ng pagdaraos ng ika-29 na Olimpiyada, palagiang binibigyang-pansin ni Charouck sa kalagayan ng progreso ng gawaing preperatoryo ng Olimpiyada. Ilang beses na pumunta siya sa Beijing para dumalo sa iba't ibang paligsahan at pulong at ang kanyang mismong karanasan ay nagpatibay ng kanyang pananalig sa matagumpay na pagdaraos ng olimpiyada. Sinabi niya na
"Ilang beses na lumahok ako sa pulong sa Beijing at napansing may makaling pagbabago ang Beijing. Sa kasalukuyan, halos nakampleto na lahat ang mga stadium ng Olimpiyada. At hindi ko na ikinababahala ang isyung pangkomunikasyon sa panahon ng olimpiyada, dahil alam ko na inisiyal na binalangkas ng Beijing ang plano para malutas ang isyung ito. "
|