Bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagtatatag ng Tsina at ASEAN ng dialogue parnership, idinaos noong Miyerkules sa embahada ng Tsina sa Pilipinas ang isang pagtitipun-tipon ng mga embahador ng Tsina at mga bansang ASEAN sa Pilipinas. Lumahok din sa aktibidad ang mga opisyal ng Kagawaran ng Suliraning Panlabas ng Pilipinas.
Sa aktibidad, binigyan ni embahador Li Jinjun ng Tsina ng mataas na pagtasa ang natamong progreso ng relasyong Sino-ASEAN nitong ilang taong nakalipas. Binigyang-diin niya na ang mapayapang pag-unlad ng Tsina ay hindi ihihiwalay sa ASEAN, lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng relasyon nila ng ASEAN at nakahandang walang humpay na pasulungin ang komprehensibong kooperasyon ng dalawang panig sa iba't ibang larangan.
Ipinahayag naman ng mga panauhin ng mga bansang ASEAN ang kanilang kasiyahan sa mabilis na umuunlad na relasyong Sino-ASEAN at umaasa silang ibayo pang mapapasulong ang estratehikong partnership ng dalawang panig. Ipinahayag nila na nakahanda ang mga bansang ASEAN na ibayo pang palawakin ang bilateral na kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang panig at umaasa rin silang ibayo pang mapapalawak ng Tsina ang pamumuhunan sa ASEAN.
Nanawagan noong Lunes sa Jakarta si Abdul Rahman Saleh, Attorney General ng Indonesya sa Tsina at Asean na palakasin ang kooperasyon sa larangan ng katarungan para mahigpit na mabigyang-dagok ang krimeng transnasyonal sa rehiyong ito. Nagtalumpati si Saleh sa seremonya ng pagbubukas ng ika-3 pulong ng mga prokurador heneral ng Tsina at mga miyembro ng Asean at sinabi niyang magkakaiba ang mga sistema ng batas ng iba't ibang bansa, at magkakaiba naman ang mga paraan ng paglutas sa mga kaso, nguni't iisa lamang ang kanilang target at ito ay maipagtanggol ang dignidad ng batas at mapangalagaan ang pagkakapantay-pantay at katarungan sa lipunan. Sa kaniyang talumpaty, iniharap ni Jia Chunwang, prokurador heneral ng Tsina ang mungkahi, lalo pang palalimin ang kanilang pagpapalitan at kooperayon.
Sa paanyaya ni punong prokurador Jovencito Zuņo ng Pilipinas, dumalaw sa bansang ito mula Huwebes hanggang Linggo si punong prokurador Jia Chunwang ng Tsina. Sa panahon ng pagdalaw, kinatagpo si Jia si Raul Gonzalez, kalihim ng katarungan ng Pilipinas.
Napag-alaman noong Lunes ng mamamahayag mula sa kawanihan ng turismo ng Nanning, kabisera ng rehiyong awtonomo ng Guangxi, na sa unang hati ng taong ito, lumaki nang mahigit 29% ang bilang ng mga turistang dayuhan na tinanggap ng Nanning kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Kabilang dito, lumaki nang mahigit 60% ang bilang ng mga turistang ASEAN. Ipinakikita ng paglaking ito na ibayo pang lumakas ang pagtutulungan ng Nanning at ASEAN at lumawak rin ang pagpapalitan ng kanilang mga personahe.
Ipinahayag noong isang linggo ni Chan Kong Choy na nagpasiyang magbukas ng direct flight para sa Asian Airline nito mula sa Kota Kinabalu, punong lunsod ng Sabah patungong Shenzhen at Xiamen ng Tsina. Ito ang kauna-unahang direktang ruta ng Asian Airline sa mainland ng Tsina. Ipinahayag din ni Chan Kong Choy ang pag-asang mapapalakas ng airline companies ng Malaysiya at Tsina ang kanilang kooperasyon, at makapagbubukas pa ng mas maraming ruta para makapagbigay-ginahawa sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Idaraos sa ika-8 ng buwang ito sa Yuxi, isang lunsod sa Lalawigang Yunnan sa dakong timog kanluran ng Tsina, ang kauna-unahang porum ng mga kabataan ng Tsina at Asean. Magsasagawa ang mga kabataang kinatawan mula sa 10 bansang Asean at Tsina ng diyalogo at pagpapalitan. Ayon sa salaysay, ang porum na ito ay isa sa mga serye ng aktibidad bilang paggunita sa ika-15 anibersaryo ng pagtatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at Asean. Ang tema ng porum na ito ay kabataan, turismo at kultura.
Ayon sa ulat noong isang linggo ng media ng Malaysya, idaraos sa Kuala Lumpur mula ika-22 hanggang ika-23 ng buwang ito ang ika-3 pulong hinggil sa kabuahyang Sino-Malay. Magkakaloob ang pulong na ito ng pinakahuling impormasyong komersiyal hinggil sa pag-unlad ng Tsina para sa mga katam-taman at maliliit na bahay-kalakal ng Malasya, at espesiyal na mga impormasyon hinggil sa pagkakataon ng pamumuhunan at pagtutulungan sa rehiyong hilangang-silangan at kanluran ng Tsina. Kalahok sa pulong na ito ang mga kinatawan ng mga pamahalaan at mga kilalang mangnaglakal ng dalawang bansa na kinabibilangan ni Tan Chai Ho, pangalawang ministro ng suliraning panloob ng Malasya.
|