Ang kalidad ng hangin sa panahon ng 2008 Beijing Olympic Games ay laging maiinit na puntong nakakatawag ng pansin ng iba't ibang sirkulo sa daigdig. Upang maigarantiya ang kalidad ng hangin sa panahong iyan, isinagawa na ng Beijing ang nakararaming hakbangin, lalong lalo na, sapul noong nakaraang taon, magkakasamang umaksyon ang Beijing at ang mga lugar sa paligid nito na gaya ng Lalawigang Hebei, Shanxi, Shandong, Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia at Munisipalidad ng Tianjin, sinarhan ang mga bahay-kalakal na mataas ang kosumo ng enerhiya at grabe ang polusyon at binalak na isagawa ang ilang pansamantalang hakbangin sa pagbabawas ng emisyon sa panahon ng Olimpiyadang ito.
Sa panahon ng pagbibiding para sa 2008 Olympic Games, ipinangako ng pamahalaang Tsino na isagawa ang pagmomonitor sa sulphur dioxide, carbon monoxide, nitrogen dioxide at inhalable particles ng Beijing at magkonsentra sa komprehensibong pagpapabuti ng kalidad ng kapaligiran ng Beijing. Kasabay nito, ipinangako nitong igarantiya ang fine rate ng kalidad ng hangin sa panahon ng Olimpiyada. Isinalaysay ni Ginoong Zhang Lijun, pangalawang direktor ng State Environmental Protection Administration ng Tsina (SEPA) na pagkaraan ng pagsisikap nitong nakalipas na ilang taon, isinakatuparan na ang nabanggit na 2 pangako. Sinabi niya na,
"Itinatag na ng Beijing ang medyo kompletong sistema ng pagmomonitor sa hangin at kapaligiran, isinasagawa ang pagmomonitor araw-araw sa index ng naturang 4 na pollutant at komprehensibo, napapanahon at wastong ipinapalabas ang kalagayan ng kalidad ng hangin ng Beijing. Hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa pamantayan ang pagbuga ng sulphur dioxide, carbon monoxide at nitrogen dioxide, bumaba nang malaki ang inhalable particles, at noong nakaraang taon, umabot na sa 246 na araw ang bilang ng mga asul na langit ng Beijing."
Bukod sa sariling dahilan ng Beijing, nakakaapekto sa kalidad ng hangin ng Beijing ang mga pollutant sa paligid nito. Kaya, dapat magkakasamang umaksyon sa takdang rehiyon at isagawa ang pangkalahatang pag-apula sa polusyon sa hangin. Dahil dito, magkakasamang itinakda ng SEPA at mga pamahalaan ng Beijing, Hebei, Tianjin, Shanxi, Inner Mongolia at Shandong ang hakbangin sa paggarantiya sa kalidad ng hangin ng Beijing Olympic Games.
Pagkaraang ipalabas ang naturang hakbangin, pinahahalagahan ito ng nabanggit na 6 na lugar. Halimbawa, ayon sa kahilingan ng hakbanging ito, dapat matapos ng 15 thermal power set ng Inner Mongolia na sa paligid ng Beijing ang desulphurization bago ang Hunyo ng taong ito. Isinalaysay ni Ginoong Su Qing, direktor ng Kawanihan ng Pangangalaga sa Kapaligiran ng Inner Mongolia na,
"Hanggang sa kasalukuyan, natapos na ng 12 thermal power set ang desulpherization, at iba pang tatlong set ay nasa puspusang binababago. Kung di-matatapos ang tungkulin bago ang Hunyo, sasarhan ang mga ito."
Sa pamamagitan ng magkakasamang aksyon, hanggang noong katapusan ng nakaraang taon, natapos na ang 75% desulphurization ng nabanggit na 6 na rehiyon, isang grupo ng bahay-kalakal na mataas ang konsumo ng enerhiya at grabe ang polusyon ang sinarhan at ang mga lumang bus at taksi ang hindi ginamit na. Ipinahayag ni Ginoong Zhang Lijun na sa pamamagitan ng mga hakbanging ito, maigagarantiya ang kalidad ng hangin sa panahon ng Beijing Olympic Games. Sinabi niya na,
"Matatapos lahat-lahat ng mga lugar ang iba't ibang tungkuling itinakda sa naturang hakbangin bago ang katapusan ng Hunyo ng taong ito. Tinaya ng mga dalubhasa na pagkaraang isagawa ang lahat ng hakbanging ito, maigagarantiya ang kalidad ng hangin sa panahon ng Olimpiyada at maisasakatuparan ang solemnang pangako ng pamahalaang Tsino."
|