• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-15 17:00:34    
Olympic sa Beijing, karangalan ng buong Asya

CRI
Ipinahayag ni Charouck na idinaos noon ng Tsina ang iba't ibang uri ng paligsahang pandagidig sa mataas na antas at ang kakayahan nito ay nakaranas ng paulit-ulit na pagsubok. At hinggil sa kalagayan ng mga manlalaro ng kaniyang bansa sa paghahanda para sa Olimpiyada, sinabi ni Charouck na sa panahon ng olimpiyada, hindi ikababahala niya ang hinggil sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga manlalaro ng kaniyang bansa roon. Sinabi niya na

"Hanggang sa kasalukuyan, natamo ang kualipikasyon ng paglahok sa olimpiyada ng mahigit 40 manlalaro ng Thailand at ang mga idyem ng paligsahan nila ay kinabibilangan ng track and field, weight lifting, boxing at iba pa at tinatayang may mga 120 tao lahat-lahat ang delegasyon ng Thailand sa Beijing Olympic Games."

Nagkamit ang Thailand ng 3 medalya ng ginto sa 2004 Athens Olympic Games ng Greece at nagsisilbi itong pinakamabuting rekord nito sa kasaysayan. Kaugnay ng Beijing Olympic Games sa malapit na hinaharap, ipinahayag ni Charouck na ang target ng kaniyang bansa ay buong sikap na magkamit ng 2 medalya ng ginto. Sinabi niya na

"Sa Olimpiyada ng Beijing, ang pag-asa namin sa pagkuha ng medalya ng ginto ay ilalagay, pangunahin na, sa boxing at tae kwon do. Datapuwa't hindi madali ang pagtupad ng target na ito. Ang aming mga kalaban ay pangunahing mula sa Rusya at Timog Amerika. Makakasiya na kami kung magkakamit ng 2 medalya ng ginto sa Beijing Olympic Games."

Isiniwalat naman ni Charouck na kahit ang mga ticket na ipinakaloob ng International Olympic Committee ay hindi makatugon sa pangangailangan ng kaniyang bansa, ipinahayag niya ang pagkaunawa, dahil ang napakaraming Thai ay umaasang manood ng Olimpiyada sa Beijng.