Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Kumusta ka na, Manny? Bakit parang nananahimik ka ata, ha?
An Youqi at ang awiting "Umawit nang Malakas at Malinaw" na theme song ng 2008 Super Girls.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Pakinggan ninyo itong mensaheng ito na may kinalaman sa pag-asenso. Sabi: "Mabilis tayong aasenso kung meron tayong sipag at tiyaga. May kasabihan na `pag may sipag at tiyaga, may nilaga.' Marami nito ang mga Chinese kaya mabilis silang umunlad. Bakit hindi tayo magkaroon nito? Mahirap kaya."
Thank you, 920 434 4249.
Hinggil naman sa pulitika, sabi ng 917 401 3194: "Kung magiging tunay na makabayan lang sana ang mga pulitikong Pilipino, gaganda ang lagay ng bawat Pilipino. Napakahirap talagang maging genuine na makabayan kung political career ang inaalagaan."
Salamat din sa iyo.
Iyan naman ang walang-katulad na tinig ni Nonoy Suniga sa awiting "Never Ever Say Goodbye" na buhat sa "OPM-Greatest Hits Volume 1" album.
Hinggil naman sa athletics, sabi ng 921 577 9195: "Ang Chinese athletes ay nabibilang sa mga nangunguna sa mundo kung medalya ang pag-uusapan. Maraming karanasan ang China sa palakasan at pag-oorganisa ng mga palaro kaya ganun kalaki kompiyansa ko sa success ng Beijing Olympics."
Thank you. Sana makapanood ka.
Mula sa album na may pamagat na "The Best of Apo Hiking Tribute," iyan ang awiting "Bakit ang Babae" ng Sandwich.
Meron pang isang SMS at isang e-mail dito.
Sabi ng 917 960 6218: "Marami kayong tagasubaybay hindi lang dahil sa inyong makabuluhang mga programa, kundi dahil sa maganda ninyong relasyon sa audience."
Thanks sa compliment.
Sabi naman ng e-mail ni Jezza Quintana ng Antipolo: "Kuya Ramon, marami kang natatanggap na SMS at sulat mula sa mga listeners mo pero binibigyan mo lahat ng oras sa iyong programa at pinaglalaanan mo rin ng oras na masagot. Talagang kahanga-hanga ka. Lagi ka naming ipagdarasal. Umasa ka."
Salamat. Maraming salamat.
Iyan naman ang malamig na tinig ni Nikki Gil sa isang version ng awiting "Kasi Naman" na hango sa album na may pamagat na "Hotsilog."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating munting palatuntunan sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|