• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-17 15:48:35    
Maliit na medyas, malaking industriya

CRI
Datang, isang maliit na bayan ng Tsina, pero, kilala sa industrya ng medyas. Sa programang ito, isasalaysay naming kung paanong binusog ng bitaliti ang nagsasariling inobasyon sa pag-unlad ng kabuhayan ng Datang.

Ang Bayan ng Datang ay nasa lunsod ng Zhuji sa Lalawigang Zhejiang sa silangang Tsina. Mapagmataas isinalaysay ni Guo Jianbo, Puno ng Bayan ng Datang na sa bawat 10 medyas sa daigdig, 3 ang galing sa Datang.

Pero, hindi nasisiyahan ang mga taga-Datang sa natamong nitong lagumpay. Noong isang taon, itinatag nito ang isang platporma ng publikong serbisyo sa industriya ng medyas.

Sa ilalim ng naturang platporma may instituto ng pananaliksik ng medyas, sentro ng pagsusuri sa kalidad ng produkto, sentro ng elektronikong negosyo at website ng "Datang Medyas" at sistema ng impormasyon ng mga bahay-kalakal sa rehiyong ito.

Napag-alaman, sa kasalukuyan, sa data-base nito, may ilangmilyong disenyo ng mga medyas at mabilis din ang pagdidisenyo sa instituto ng pananaliksik, ang pinakamabilis na disenyo ay tumatagal nang 10 saglit lamang. Salamat sa ganitong modelnong operasyon, laging mahigit na sinusundan ng mga bahay-kalakal ng medyas sa Datang ang pangangailangan ng pamilihan.

Ayon sa inisyal na pagtaya, dahil ng pagtatatag ng platporma ng publikong serbisyo, halos 200 milyong yuan RMB na gastusin bawat taon ang napapatipid at ang mga bagong dinaragdagang pedidong nagkakahalaga ng 2 bilyong yuan RMB.