• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-17 15:50:26    
Isang bantog na komedyante ng Tsina

CRI

Maraming katawa-tawang nilalaman sa pelikula at sinabi ni Guo na ito ay isang pelikulang puno ng katangahan, sopresa at katalinuhan. Nang mabanggit ng pagkaunawa sa katangahan, sinabi ni Guo na:

"Nakakatagpo namin marahil ang katangahan bawat araw, papaanong mahahawakan ito ay depende sa kung ano pakikitunguhan ito ng iba't ibang tao. Kapag binalik-tanaw ang mga bagay na ginawa noon, nakadarama ka siguro na katawa-tawa ang mga bagay na naganap 10 taon na ang nakaraan. Ngunit, ang mga ito ay mahalaga mong karanasan para tulungan ka na maging mas matalino sa hinaharap."

Kamakailan, ang nobelang "Kasiyahan" na sinulat ng bantog na manunulat na si Jia Ping'ao ay ginawang isang pelikula. Ikinasisiya ni Jia ang palabas ni Guo Tao bilang pangunahing tauhan. Isinalaysay ng pelikula ang kapalaran ng mga mandarayuhang manggagawa ng Tsina gaya ni Liu Gaoxing at kasabay nito ay naglalarawan ng pamumuhay ng iba pang tao sa mababang antas ng lipunan gaya ng pulubi.

Pangunahing pinag-uukulan ng pansin ng pelikula ang kanilang daigdig ng diwa gaya ng pangarap at pag-ibig. Para mas mahusay na ganapin ang papel na ito, itinigil ni Guo ang lahat ng iba pang gawain at buong pusong pumalaot sa pagkakaganap, tuwang tuwa siya dahil kaya niyang gumanap ng papel na ganap na nagkaiba sa ginaganap na papel noon.

"Sa mula't mula pa'y nagsisikap ako para magkaroon ng breakthrough. Bilang isang aktor, dapat magpakahusay sa iba't ibang estilo. Ang mga pelikula sa taong ito ay isang breakthrough para sa akin. Mangyari pa, ang komedya mahalaga rin para sa akin."

Umaasa si Guo Tao na magiging mahusay siya sa iba't ibang papel para payamanin ang kanyang pagkakaganap at magbibigay ng mas maraming katuwaan sa mga manonood.