Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Itosi Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2008.
Habang patuloy sa paglalakbay sa mga pangunahing lunsod sa limang kontinente ng mundo ang banal na tanglaw ng Beijing Olympics, patuloy din naman sa pagdating ang mga pahayag ng suporta ng mga tagapakinig sa Palarong gaganapin sa Beijing sa Agosto.
Ang biglaang pagpapahayag na ito ng suporta ng mga tagapakinig ay bunsod ng mga balitang may mga organisasyon at indibiduwal na nagtatangkang antalahin ang torch relay at gambalain ang pagbubukas ng 2008 Beijing Olympics sa ika-8 ng darating na Agosto.
Sa kanilang magkakahiwalay na pahayag, nananawagan ang mga tagapakinig para sa malawakang paggalang sa Olympics at sa lubos na pag-unawa sa tunay na diwa nito.
Sinabi ng private contractor na si Rodel Martines na ang Olympics ay isang pandaigdigang kompetisyon ng mga manlalaro na naglalayong palaganapin ang diwa ng pagkakaisa ng mga kultura at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa bukod pa sa diwa ng pagiging maginoo sa pagkapanalo at pagkatalo o iyong tinatawag sa Ingles na spirit of sportsmanship.
"Ang Olympics ay idinaraos tuwing apat na taon sa iba't ibang bansa para mai-promote ang peace and friendship. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit may mga grupo na naglalagay ng sagabal sa pagdaraos ng Beijing Olympics four months from now. Sana naman igalang nila ang Olympics at hayaan nilang maidaos ito nang walang sagabal sa China. Hindi nila dapat gamiting sangkalan ang Beijing Olympics para i-promote ang kanilang sariling interes."
Sabi naman ng college student sa Maynila na si Lebon Lee na suportado niya ang Olympics saan mang bansa ito gawin at ibayo ang suporta niya sa Bejing Olympics dahil gagawin ito sa isang bansang Asyano at sa isang umuunlad na bansa. Sana naman daw panoorin muna ng mga tao ang Olympics sa Beijing bago sila humusga.
Sinabi pa niya na:
"Napakarami nang nagawang hakbang ang China para masigurong ligtas ang hanging malalanghap ng mga manlalaro sa Beijing Olympics. Ang pinakahuling hakbang na ginawa ng China ay iyong pagbabawal sa paninigarilyo sa public places na gaya ng hotels and restaurants. Malaki ang paniwala ko na ang hangin sa Beijing sa pagdaraos ng Olympics ay hindi na isyu ngayon."
Sa pahayag naman ni Jude Lago, empleado ng isang malaking kompanya sa Metro Manila, sinabi niya na dismayado siya sa mga naririnig niyang balita na may mga grupo na nagsasalita at gumagawa ng kung anu-ano para mahadlangan ang Olympics sa Beijing. Sana raw magliwanag ang kanilang isip at ma-realize na ang Olympics ay non-partisan at non-political. Aniya, nasisiguro niya na mas marami silang sumusuporta rito.
"Isa lamang ako sa libu-libong tagapakinig ng CRI na sumusuport sa Olympics. Maski maglunsad pa kayo ng signature campaign, nakahanda rin akong pumirma. Mas nakakarami ang mga bansa, lider ng mga bansa, grupo, organisasyon at indibiduwal na sumusuporta at tumitindig sa likod ng Olympics, kaya sana magising sa katotohanan ang mangilan-ngilang grupo na nagpupumilit na mag-ingay."
Sinabi nilang tatlo na dapat magkaisa ang civilized world at pangalagaan ang Olympic flame upang sa gayon hindi ito mamanglaw at maging walang-hanggang tanglaw ng pag-asa para sa sangkatauhan.
Pakinggan naman natin ang maiikling pahayag ng ating textmates.
Mula sa 919 651 1659: "Kasama ako sa mga nasa likod ng 2008 Beijing Olympics para magtagumpay ito!"
Mula sa 921 378 1478: "Ang Olympic torch ay simbolo ng hopes and dreams ng mankind kaya huwag itong pigilin!"
At mula naman sa 919 648 1939: "Sana magliwanag ang isip ng mga nanggugulo sa Olympics!"
Tunghayan naman natin ang mga pahayag ng ating letter-senders.
Sabi ni Sarah Samudio ng AMA Computer College: "Marami na akong narinig na listeners na nagsabing suportado nila ang Olympics sa Beijing. Ako man ganun din, kaya ibilang mo ako sa listahan ng listeners and non-listeners na nasa likod ng Games sa darating na August. Sa palagay ko, kung dadaanin sa signature campaign, makakalikom ng libu-libong signatures.Thank you sa inyong mga articles o commentaries hinggil sa Olympics at 2008 Beijing Olympics. Maraming bagay kaming nalilinawan."
Sabi naman ni Lilibeth Pagaduan ng Polytechnic University of the Philippines: "Tama sila. 2008 Beijing Olympic Games are just around the corner. Maraming bansa, organisasyon at indibiduwal ang nagparating na ng mainit na pagtanggap sa malaking event na ito sa history ng international sports. Dahil sa laki ng suporta na natatanggap nito (lalong lumalaki habang papalapit), hindi masasayang ang pinagpagurang paghahanda ng Beijing at mari-realize din ang palarong pinapangarap na mapanood ng mundo."
Sabi naman ni Rio Nobleza ng Tanauan City, Batangas: "Olympic year na! Beijing Olympics na sa August. Bigyan natin ng exciting games ang mga manonood. Sabi ang China ay magpapadala ng malaking delegation at sasalihan nito ang halos lahat ng events sa Olympics. Alam ko na eveready ang China at Chinese athletes sa historic Games na ito at masisiyahan ang lahat ng mga dayuhang bibisita sa China para manood."
Maraming salamat sa inyong mga liham, Sarah, Lilibeth at Rio.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating Dear Seksiyong Filipino 2008 para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|