• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-21 18:48:02    
Nasaan ang Shangri-La

CRI
Ang Meili snow-capped mountain na isa sa itinuturing na bahagi ng paraiso ng Shangri-La ay nasa Deqing country na 184 km. Ang layo sa country seat ng Zhongdian. Sa pagtungo rito, maari kayong dumaan sa Bengzilan para sa tanghalian. Ito ay bantog na tawiran sa ilog noong unang panahon at dito nagtatagpo ang mga ilog Jinsha, Nujiang at Lanchang.

Ang saligang kulay ng Bengzilan ay madilaw-dilaw na berde, isang matingkad na kulay na nakapagpapagunita sa panahon ng pag-aani. Ang klima nito'y maginhawa sa buong taon. Naniniwala ang mga mamamayan dito na ang bundok na ito ang hari ng mga bundok na may putong na niyebe.

Ayon sa paglalarawan ng mga travel book, ang Meili snow-capped mountain daw ay kumikinang sa sinag ng araw.

Isa pa ring kagila-gilalas na tanawin sa Zhongdian ang Shudu Lake. Habang naglalakad sa kahabaan ng pampang ng Lawa, makikita ninyo ang lawa at himpapawid na nagpapatingkad sa kariktan ng isa't isa.

Sa malayo, ang tubig ng Lawa ay matingkad na bughaw, bagamat kulay kape ito kung titingan sa malapit.

Sabi ng mga tagarito, nagbabago raw ang kulay ng tubig habang umaagos pababa mula sa kalapit na mga bundok dahil sa mga halamang-tubig at maitim na lupa sa malalim na lawa. Ang Shudu Lake ay 3, 700 metro mula sa lebel ng dagat at may lalim na 24 metro att gulang na mahigit sa 20, 000 taon.