Noong 1932, sa ngalan ng Tsina, lumahok sa ika-10 Olympic Games sa Los Angeles ng E.U. si manlalaro Liu Changchun. Sa 2008, sa ilalim ng pagkatig ng 1.3 bilyong mamamayang Tsino, dumating ng Greece si Liu Hongliang, anak na lalaki ni Liu Changchun, para ihatid ang Holy Fire ng 2008 Beijing Olympic Games. Mula Liu Changchun hanggang Liu Hongliang, mula isang taong kalahok sa Olimpik hanggang 1.3 bilyong taong kasangkot sa Olimpik, natupad ng mga mamamayang Tsino ang isang daang taong pangarap ng Olimpik.
Ang 76 na taong gulang na si Liu Hongliang ay isang akademisyan ng Chinese Academy of Engineering. Bilang isang bantog na dalubhasa sa kapaligiran. Napili siya bilang Olympic Games torchbearer ay dahil, una, ang ambag na ginawa niya sa pangangalaga sa kapaligiran. At ang isa pang dahilang may katuturang pangkasaysayan ay ang kanyang tatay ay unang manlalarong Tsino sa Olimpik.
Noong 1932, nasa pananalakay ng Hapon ang Tsina, sa kabila ng pananakot, buong tapang lumahok sa ika-10 Olympic Games na idinaos sa Los Angeles ang 23 taong gulang na si Liu Changchun sa ngalan ng Tsina at naging siyang unang manlalarong Tsino sa Olimpik. Ikinaantig ito ng lahat ng manonood. Nang mabanggit ang kabayanihan ng tatay, sinabi ni Liu Hongliang na:
"Sa palagay ko, noong panahong iyon, ang pinakamalaking hangarin ng tatay ko ay paglahok sa Olimpik. Alinsunod sa diwa ng Olimpiyada, mas mahalaga ang paglahok kaysa sa pagtagumpay."
Isinalaysay ni Liu na kahit noong matanda ang kanyang tatay, napangarap niyang bumalik sa Olimpik at muling maranasan ang kasiglahan ng Olimpiyada. Ngunit, hindi niya natupad ang pangarap.
Ngayon, pumunta si Liu Hongliang sa Greece, pinagmulan ng Olimpiyada, para ihatid ang Holy Fire, buong damdaming sinabi niyang:
"Gusto kong sabihin sa tatay ko: pumarito na ang anak mo at natupad na ang inyong pangarap, at nawa'y mamanatag ang kalooban mo."
|